Pumunta sa nilalaman

Bulutong-baka

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Cowpox)

Ang bulutong-baka (Ingles: cowpox), na tinatawag ding bulutong-pusa (Ingles: catpox) ay isang uri ng karamdaman na nakakaapekto sa balat na sanhi ng birus ng bulutong-baka. May kaugnayan ito sa birus na vaccinia. Ang mga tao o mga hayop na mayroon ng karamdamang ito ay mayroong mga pulang paltos. Ang sakit ay maaaring kumalat sa pamamagitan ng paghipo magmula sa mga baka papunta sa mga tao. Ang birus na nakapagdurulot ng bulutong-baka ay dating ginamit upang maisagawa ang unang matagumpay na bakuna laban sa ibang karamdaman. Ang karamdamang nilaban sa pamamagitan ng pagbabakuna ay ang nakamamatay na bulutung-tubig. Ang bulutung-tubig ay dulot na kaugnay na birus na variola. Kung gayon, ang salitang "bakuna" o "baksinasyon" ay mayroong ugat na Latin na vaca na may kahulugang baka.

Noong 1798, ang manggagamot na Ingles na si Edward Jenner ay nakagawa ng isang pagmamasid na mapag-usisa. Namuhay si Jenner sa kabukiran, hindi sa kalunsuran. Ang ilan sa kaniyang mga pasyente ay nagkaroon ng bulutong-baka, at gumaling mula sa karamdaman. Napansin niya na ang mga pasyenteng hindi muling nagkaroon ng sakit ay tila nagkaroon ng katayuan na hindi na tinatalaban o hindi na muling mahahawahan ng sakit na ito. Bilang dagdag, tila hindi na rin sila darapuan ng bulutung-tubig. Noong mga panahong iyon, ang bulutung-tubig ay isang nakamamatay na karamdaman, na nakamatay ng karamihan sa mga taong dinapuan nito. Kung kaya't ginamit niya ang pluwidong nakuha niya magmula sa bulutong-baka, at ikinahig ito sa mga taong malulusog. Sa ganitong paraan, nagawa niyang hindi na tatablan ng bulutung-tubig ang mga taong iyon.

Ang birus ng bulutong-baka o bulutong-pusa ay natatagpuan sa Europa at pangunahing mula sa Nagkakaisang Kaharian (UK). Ang mga kaso nito sa tao ay napakabihira at pinakamadalas na nakukuha magmula sa mga pusang pambahay o pusang domestiko. Ang mga birus ay hindi karaniwang natatagpuan sa mga baka; ang mga pinamamalagiang "imbakan" (mga reservoir host) ng birus ay ang mga daga na nasa mga lupaing mapuno, partikular na ang mga vole, na isang uri ng daga na napagkukunan ng birus ng mga pusa. Ang mga sintomas sa mga pusa ay kinabibilangan ng mga sugat (lesyon) sa mukha, leeg, pangharap na mga hita, binti, at paa, at ang hindi gaanong karaniwan na mga impeksiyon sa pang-itaas na daanan ng hininga.[1] Ang mga sintomas na impeksiyon ng birus ng bulutong-baka sa mga tao ay nasa isang lugar lamang (lokalisado) na mga sugat na mga bukol (bubas) na may nana (mga pustule) na pangkalahatang natatagpuan sa mga kamay at nakahangga sa lugar na napagpasukan. Ang panahon ng inkubasyon (ang oras na nasa pagitan ng impeksiyon at ng unang mga senyales o tanda ng karamdaman) ay 9 hanggang 10 mga araw. Ang birus ay karamihan nakikita sa huli ng panahon ng tag-araw at panahon ng taglagas.

Kasaysayan ng paggamit

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang bulutong-baka ay ang orihinal na bakuna laban sa bulutung-tubig. Pagkaraang maimpeksiyon ng sakit, ang katawan ay karaniwang nagkakamit ng kakayahan na makilala ang kahalintulad na birus ng bulutung-tubig magmula sa mga antiheno nito, kung kaya't nakakayanang mas matalab na lumaban sa sakit na bulutung-tubig. Pagdaka, at hanggang sa pangkasalukuyan, ginamit ang isa pang bakuna: ang vaccinia. Kahalintulad ng bulutong-baka ang vaccinia, subalit hindi sila magkapareho.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Mansell, Joanne K.;Rees, Christine A. (2005). "Cutaneous manifestations of viral disease". Sa August, John R. (ed.) (pat.). Consultations in Feline Internal Medicine Vol. 5. Elsevier Saunders. ISBN 0721604234. {{cite book}}: |editor= has generic name (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  2. "The Small Pox Story". Nakuha noong Pebrero 27, 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)