Bukid
Ang isang bukid o sakahan ay isang pook o lupain na pangunahing nilalaan sa mga prosesong pang-agrikultura na ang pangunahing layunin ay ang paggawa ng pagkain at ibang mga ani; ito ang pangunahing kagamitan sa produksiyon ng pagkain.[1] Ginagamit ang katawagan para sa mga natatanging bagay tulad ng mga maaararong lupa, kabukiran ng mga gulay o prutas, sakahang panggatas (dairy), babuyan, manukan, at mga lupain na ginagamit sa paggawa ng mga hibla, biofuel (o panggatong galing sa mga hayop o halaman), at iba pang maaring itinda. Kabilang sa kabukiran ang mga rantso, kainan ng mga hayop, halamanan, asyenda, maliit na bukid, gusaling pang-agrikultura at ang mismong lupain.
Mayroon mga 570 milyong bukid sa buong mundo, na karamihan sa mga ito ay maliit at pinapatakbo ng pamilya. Pinapatakbo ang mga maliit na mga bukid na may sukat na lupa na mas mababa sa 2 ektarya ng mga 12% ng lupang pang-agrikultura ng mundo, at binubuo ang mga bukid pampamilya ng mga 75% ng lupang pang-agrikultura ng mundo.[2]
Sa Pilipinas, ayon sa senso ng Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas, mayroon 5.56 milyong bukid na sinasakop ang 7.19 milyong ektarya, na nangangahulugang nasa 1.29 ektarya ang katamtamang sukat ng bukid sa Pilipinas na karamihan pagmamay-ari ng mga pamilya.[3] Nagiging suliranin din ang pagliit ng mga sakahan sa Pilipinas at nagdudulot ng kawalan ng trabaho sa marami. Noong 2022, nawalan ng 511,000 trabaho sa bukid at ayon sa Pangasiwan ng Estadistika ng Pilipinas, dulot ito sa mga pana-panahong pagtatrabaho sa bukid.[4] Nakikita ang pagliit ng sukat ng bukid na pag-alis ng Pilipinas sa agrikultura.[4]
Sa pagkakaroon ng agri-negosyo sa Pilipinas, nangangailangan ang paggawa at pamamahala ng agri-negosyo ng konsultasyon sa mga rehistadong agrikultur sa itaas ng ilang antas ng operasyon, kapitalisasyon, sukat ng lupa, o bilang ng mga hayop sa bukid.
Magsasaka
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa sakahan, ang magsasaka o magbubukid ay isang taong nagtatanim at nagpapatubo ng mga pananim at nag-aalaga ng mga hayop at nabubuhay na mga organismong gagamitin bilang pagkain at bilang hilaw na mga materyales. Isa itong karaniwang hanap-buhay para sa mga tao magbuhat na magsimula o magkaroon ng kabihasnan.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Gregor, 209; Adams, 454.
- ↑ Lowder, Sarah K.; Skoet, Jakob; Raney, Terri (2016). "The Number, Size, and Distribution of Farms, Smallholder Farms, and Family Farms Worldwide". World Development (sa wikang Ingles). 87: 16–29. doi:10.1016/j.worlddev.2015.10.041.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ SEARCA. "2nd Small and Family Farmers | New and Beginning Farmers National Conference - SEARCA". www.searca.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-05-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 Baclig, Cristina Eloisa (2022-12-08). "PH farms getting empty: Agriculture job loss a worrying trend". www.pids.gov.ph (sa wikang Ingles). Inquirer. Nakuha noong 2024-05-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)