Cynthia Luster
Yukari Oshima | |
---|---|
Kapanganakan | Tsumura Yukari 31 Disyembre 1963 |
Ibang pangalan | Cynthia Luster |
Aktibong taon | 1984 - 2004, 2011 - kasalukuyan |
Asawa | Mark Cheng (1991 - 1995) Philip Ko (1995) |
Si Yukari Ōshima (大島ゆかり Ōshima Yukari, ipinanganak Disyembre 31, 1963) ay isang dating artista at alagad ng sining pandigma na mula sa bansang Hapon. Sumikat siya sa Hong Kong at sa kalaunan sa Pilipinas bilang Cynthia Luster. Dahil sa interes ng mga Pilipino kay Jackie Chan, si Cynthia ay naging parang babaeng katumbas ni Chan.[1] Sa Pinyin, ang pangalan niya ay 大島由加里 (Dàidǎo Yóujiālǐ).
Biyograpiya
Ipinanganak si Yukari Tsumura (津村ゆかり Tsumura Yukari) sa Nishi-ku, Fukuoka, Hapon, sa isang negosyanteng Hapon at tagadisenyo ng modang Tsina, nagsimulang mag-aral si Oshima ng Gōjū-ryū Seigokan karate sa Ennouji Dojo noong nasa dyunyor hayskul siya.
Siya ang pinakamagaling babae sa sining pandigma noong dekada 1980, at isang nangungunang pigura sa nausong babes and bullets (ginigiliw at bala) ng pelikulang aksyon sa Hong Kong. Ginampanan niya ang papel na "Farrah Cat" sa Bioman, na umere hindi lamang sa bansang Hapon kundi sa buong mundo. Kilala din siya sa mga Kanluraning tagapanood bilang Yomi sa Riki-Oh: The Story of Ricky. Pagkatapos ng karera niya sa Hong Kong, nagsimula siya ng isang bagong karera sa Pilipinas noong dekada 1990 sa pangalang pang-entabaldo na Cynthia Luster.
Nakatira si Cynthia sa Fukuoka, Hapon,[1] kung saan isinulong niya ang turismo ng lungsod. Karaniwang kilala siya sa Kanluraning tagapanood bilang artista ng mga patalastas ng Marlboro Lite (noong unang huling bahagi ng dekada 1990).