DNA transposon
Ang mga DNA transposon ay mga sekwensiyang DNA, minsan tinatawag na “tumatalon na hene”, na maaaring lumipat at pumaloob sa ibat-ibang lokasyon ng isang genome o henoma.[1] Kabilang sila sa mga class II transposable elements (TE), na lumilipat sa pamamagitan ng isang DNA na intermediya, sa halip na RNA na intermediya, na ginagamit naman ng mga class I Ts na mga retrotransposon.[2] Ang mga DNA transposon ay maaaring pumasok sa DNA ng isang organismo sa pamamagitan ng isa o dalawang-strandong DNA na intermediya. Ang mga DNA transposon ay matatagpuan sa kapwa eukaryote at prokaryote na organismo. Sa mga prokaryote, pinapadali ng mga TE ang pahalang na paglipat (horizontal transfer o lateral gene transfer) ng resistensya sa antibiyotiko at pati na rin ang mga hene na may kaugnayan sa birulensiya. Pagkatapos ng pagreplika at paglaganap nito sa loob ng host, lahat ng kopya ng mga transposon ay hindi na magiging aktibo at mawawala, maliban nalang kung nakapagsimula na ito ng panibagong siklo ng buhay o life cycle sa ibang henoma sa pamamagitan ng pahalang na paglipat.[3] Mahalagang tandaan na ang paglipat ng mga DNA transposon sa loob ng henoma ay hindi arbitraryo, sa halip, nagpapakita ito ng kagustuhan sa mga partikular na lugar.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Transposon | genetics". Encyclopedia Britannica (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-10-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Wicker, Thomas; Sabot, François; Hua-Van, Aurélie; Bennetzen, Jeffrey L.; Capy, Pierre; Chalhoub, Boulos; Flavell, Andrew; Leroy, Philippe; Morgante, Michele (2007). "A unified classification system for eukaryotic transposable elements". Nature Reviews Genetics (sa wikang Ingles). 8 (12): 973–982. doi:10.1038/nrg2165. PMID 17984973. S2CID 32132898.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Muñoz-López, Martín; García-Pérez, José L. (Abril 2010). "DNA Transposons: Nature and Applications in Genomics". Current Genomics (sa wikang Ingles). 11 (2): 115–128. doi:10.2174/138920210790886871. ISSN 1389-2029. PMC 2874221. PMID 20885819.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)