Pumunta sa nilalaman

Daemones Ceramici

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Daemones Ceramici (Δαίμονες Κεραμικοί), ayon sa mitolohiyang Griyego, ay ang limang malebolente o malisyosong mga espiritu na sumasalot sa mga palayok ng mga namamalayok o dalubhasa sa paggawa ng mga palayok o paso. Kasama sa mga ito sina:

  • Syntribos (Σύντριβος), ang mambabasag
  • Smaragos (Σμάραγος), ang mandudurog
  • Asbetos (Ασβετος), ang mang-uuling
  • Sabaktes (Σαβάκτης), ang mangwawasak
  • Omodamos (Ομόδαμος), ang tagapagpahilaw ng nilulutong palayok