Pumunta sa nilalaman

Dama Nin Tataramon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Habang naglalaro ng Dama Nin Tataramon

Ang Dama Nin Tataramon ay isang laro ng mga salita hawig sa kilalang laro na Scrabble sa wikang Bikol.

Sinimulan noong taon 2011 ng mga manunulat na Bikolanong sina Irvin Sto. Tomas at Edna Campana ang paglikha ng larong ito. Unang nilaro sa paligsahan ang Dama Nin Tataramon noong Agosto 20, 2014 sa taunan na Padurunongan ng mga mag-aaral sa elementarya sa bayan ng Canaman, Camarines Sur. Ginaganap naman ang 1st Dama Nin Tataramon Open Invitational simula Nobyembre 5 - 30, 2016 sa Lungsod ng Naga bilang aktibidad ng samahang Parasurat Bikolnon sa pakikipagtulungan ng lokal na gobyerno kan Naga.[1]

Mga batayan[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ginagamit bilang sanggunian sa baybay ng mga salita ang Antabay sa Ortograpiya nin Bikol Sentral (Parasurat Bikolnon, 2012) ni Irvin Sto. Tomas. Samantala, ginagamit naman sa bokabularyo ang Bikol-English Dictionary / Diksionariong Bikol-Ingles (2007) ni Malcolm Mintz at Daratangan na Olay (Other Option Promotions, 2012) ni Jerry Adrados.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. Bert delos Martirez Calle Maduros October 6, 2016 - Bicol Mail

Babasahin[baguhin | baguhin ang wikitext]

  • Sto. Tomas, Irvin P. DAMA NIN TATARAMON (Parasurat Bikolnon, 2016) Lungsod ng Naga

Panlabas na Kawing[baguhin | baguhin ang wikitext]