Pumunta sa nilalaman

Danaus

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang mga Danaid, iginuhit ni John William Waterhouse noong 1903.

Si Danaus, Danaos, o Danao ("tagatulog"; Griyego Δαναός), ay isang mitolohikong tauhan, na kakambal na lalaki ni Ehipto o Aegyptus at anak na lalaki ni Achiroe at Belus, isang mitikong hari ng Ehipto. Isang alamat ng pagtatatag o muling pagtatatag ng Argos ang mito ni Danaus, isa sa pinakaunang Miseneong mga lungsod ng Peloponnesus. Sa Iliada ni Homero, karaniwang itinatalaga ang mga Danaano (o Danaan; tribu ni Danaus) at mga Argivo (o Argive) bilang mga hukbong Griyegong kalaban ng mga Troyano.

Batay sa mitolohiyang Griyego, may 50 mga anak na babae si Danaus: ang Danaides o mga Danaid na pinilit niyang magpakasal sa kanilang mga pinsang lalaki, ang 50 mga anak ni lalaki ni Ehipto. Sa araw ng pagdiriwang ng kasal, pinagkalooban ni Danaus ang bawat isa sa kanyang mga anak na babae ng tigi-tig-isang mga panaksak. Iniutos niya sa mga itong paslangin ang kanilang mga asawa, sa gabi ng kanilang kasal. Maliban sa isa, sumunod sa utos ng kanilang ama ang lahat ng mga Danaid. Si Hypermnestra ang hindi umayon sa kaatasan ng amang si Danaus. Sa halip, tinulungan ni Hypermnestra ang napangasawang si Linceo (o Lynceus) upang makatakas. Dahil rito, pinarusahan sila kapwa sa Hades. Pinatawan silang umigib mula sa isang malalim na balon na gumagamit ng mga pang-igib na panala o bistay.[1]

Nagmula sa kaparasuhang ito ang pariralang "gawa ng Danaid", na nangangahulugang walang katapusan at walang ibinubunga o walang kabuluhang gawain.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "Danaides". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 375.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.