Danny Holmsen
Si Danny Holmsen ay isang Pilipinong kompositor na may Dugong Banyaga. Siya ay isinilang noong 1931, isa siyang kilala na orihinal na nagkomposisyon ng "Faithful Love" na ibinase sa pelikulang My Faithful Love.
Karera
[baguhin | baguhin ang wikitext]Dekada 50s
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pelikula
[baguhin | baguhin ang wikitext]Siya ay naging pomosong direktor noong dekada sisenta at sitenta. Noong dekada singkuwenta ay lumikha siya ng awitin sa ilalim ng Mico Records ang awiting "Waldas" na isinapelikula ng Sampaguita Pictures na pinagbidahan nina Pancho Magalona at Myrna Delgado. Nilikha rin ni Holmsen ang Pamosong awiting "Mariposa" na inawit ni Cely Bautista noong 1955.
Dekada 60s
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong dekada 60s, ipinagpatuloy niya ang paglikha ng mga awitin na karamihan ay tema ng isang pelikula.
Dekada 70s
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong dekada 70s, lumikha siya ng mga religious song at nakagawa ng album na King of Kings at Ave Maria Nuestra de Guadalupe na parehong inilabas ng Aquarius Records.
Komposisyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Dekada 70s naman ng mamahala siya bilang direktor ng ilalim sa mga sikat na artista noong 60s at 70s. Isa na dito ay ang mga pelikulang kanyang idinirihe kung saan pinamahalan niya ang mga pelikula ng paborito niyang artistang si Nora Aunor at isa na dito ang A Gift of Love na ginawan din ng plaka. Ilan sa mga nilikha niyang awitin na si Nora Aunor ang umawit ay "Ang Tindera", "Bata Pa Ako", "Binatang Makisig", "Binibining Palengke", "Bulaklak sa Parang", at "Despatsadora". Ang awiting "Estudyante" na inawit ni Florence Aguilar sa ilalim ng Plaka Pilipino, nakagawa siya ng mga pelikula karamihan sa Sampaguita Pictures. Lumikha din siya ng mga awiting "Tapat na Pag-ibig", ang bersyong Tagalog ng "My Faithful Love", kung saan ito ay nagkaroon ng dalawang bersyon. Ang solo version ni Nora Aunor sa ilalim ng Mayon Records at ang pag-duweto nila ni Eddie Peregrina.
Kamatayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Natagpuang patay si Holmsen sa kanyang bahay noong 2003 sa Socorro, Cubao, Lungsod ng Quezon. Natgpuan ang kanyang bangkay sa Master's bedroom sa iakalwang palapag ng kanyang tahanan. Ayon sa imbestigasyon, Si Holmsen ay ninakawan ng cellphone at pera. Ang motibo ay pagnanakaw. Ayon sa polisya ang kanyang driver ay sinaksak sa leeg at dibdib ng kitchen knife bago tumakas.
Legasiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang kantang "Faithful Love" ay nai-cover ng bandang The Coronets noong 1964 at sa parehong kanta muli ay nai-cover ito nakilala sa madla sa pamamagitan ni Cesar Manalili na lead guitarist din nang The Coronets noong 1994 na nakaparangal ng Gold Album sa parehong taon.
Diskograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Coronets: Faithful Love Story
- Nora Aunor: Be Gentle; Mga Awitin ng Puso[1][2]; Ang Tindera
- Maribel Aunor: Dalaginding[3]; Bakit[4][5]
- Malabon Brass Band: Parada Pilipino Numero 7[6][7]
- Pilita Corrales: Bulung-bulungan (reissue album ng Musika Pilipina)
Sangunnian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Nora Aunor - Mga Awitin ng Puso sa Discogs". Discogs. 1972.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Mga Awitin ng Puso", eBay Philippines (sa wikang Ingles), 1972, nakuha noong 2024-08-23
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Pinoy Albums » Maribel Aunor – Dalaginding (1977)". Pinoy Albums. 1977. Nakuha noong 1 Oktubre 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Pinoy Albums » Maribel Aunor – Bakit". Pinoy Albums. 1977. Nakuha noong 14 Setyembre 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Bakit ni Maribel Aunor", eBay Philippines (sa wikang Ingles), 1977, nakuha noong 2024-09-14
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Malabon Brass Band - Parada Pilipino Numero 7 sa Discogs". Discogs. 1978.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Parada Pilipino Numero 7", eBay Philippines (sa wikang Ingles), 1978, nakuha noong 2024-09-14
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)