Deel
Ang deel (Mongol: ᠳᠡᠪᠡᠯ /дээл) ay isang tradisyonal na damit na karaniwang isinuot ng mga Monggol, Turko at Tungusiko nang daan-daang taon,[1] at maaaring gawin mula sa bulak, sutla, lana, o brokado.
Karaniwang isinusuot pa rin ang deel ng mga lalaki at babae sa labas ng mga pangunahing bayan, lalo na ng mga pastol.[2] Sa mga urbanong lugar, kadalasang isinusuot lamang ang deel ng mga matatanda, o sa mga masasayang okasyon. Kahawig ang deel sa kaftan o isang lumang tunikang Europeo na nakatiklop.[2] Karaniwang umaabot ang deel hanggang sa ibaba ng mga tuhod ng nagsusuot at bumubuka sa ibaba. May iba't ibang kulay ang mga ito ngunit kadalasang bughaw, olibo, o tinalaban.
Mga uri
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nag-iiba nang konti ang disenyo ng mga deel sa bawat kultura at pangkat-etniko, at nag-iba-iba sa paglipas ng panahon. Mayroon ding mga natatanging baryasyon sa iba't ibang tribong Monggol,[3] kadalasan sa disenyo ng kuwelyo sa may itaas na dibdib. Halimbawa, pabilog ang kuwelyo ng deel ng mga Khalkha Monggol, habang parisukat naman sa deel ng mga Buryat. Maaaring magkaiba-iba rin ang mga deel ng ibang tribo tulad ng mga Chakhar, Torguud, at Uzemchin. Idinedisenyo ang mga deel para sa mga iba't ibang okasyon, kapanahunan,[4] at pagdiriwang. May mga deel na panseremonya na ginagamit kapag may kasalan at pista at mga deel na pang-araw-araw. Gawa sa sutla ang panlabas na bahagi ng mga deel na pang-espesyal na okasyon habang gawa sa lana, bulak, at ibang di-ganoong mamahaling materyales ang mga pangkaraniwang deel.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Cartwright, Mark (14 Oktubre 2019). "Clothing in the Mongol Empire" [Pananamit sa Imperyong Monggol]. World History Encyclopedia (sa wikang Ingles). World History Publishing. Nakuha noong 1 Disyembre 2023.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date and year (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 Sabloff, Paula L. W. (2001). Modern Mongolia: Reclaiming Genghis Khan [Modernong Monggolya: Pagbawi kay Genghis Khan] (sa wikang Ingles). UPenn Museum of Archaeology. pp. 66–68. ISBN 978-0-924171-90-1.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Culture of the Mongol Deel" [Kultura ng Monggol na Deel]. UNESCO Video and Sound Collections (sa wikang Ingles). UNESCO. Nakuha noong 2 Disyembre 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Mongolian Traditional Clothes" [Tradisyonal na Pananamit ng mga Monggol]. Discover Mongolia (sa wikang Ingles). Discover Mongolia Travel Co. Nakuha noong 1 Disyembre 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)