Pumunta sa nilalaman

Delilah Rene

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Delilah After Dark)
Delilah Rene
Kapanganakan15 Pebrero 1958
  • (Coos County, Oregon, Estados Unidos ng Amerika)
MamamayanEstados Unidos ng Amerika
Trabahopersonalidad sa radyo

Si Delilah Rene Luke (ipinanganak noong 15 Pebrero 1960 sa Reedsport, Oregon), na mas palaging nakikilala bilang Delilah lamang, ay isang Amerikanang personalidad sa radyo, may-akda, at manunulat ng awitin, na higit na kilala bilang isang panggabing programa na mahihilingan ng awit na naihahandog din sa pinaglalaanang tao, na may tinatayang 7 milyong mga tagapakinig.

Palabas sa radyo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang programa, payak na nakikilala bilang Delilah[1], nakikilala rin bilang Love Songs with Delilah at Delilah After Dark, ay nagsisimula tuwing ika-7 ng gabi hanggang sa hatinggabi ayon sa katutubo o lokal na oras, bagaman may mangilan-ngilang mga estasyon (katulad ng WRCH) na nagsasahimpapawid ng palabas magmula hatinggabi hanggang ika-5 ng umaga. Nagbibigay siya ng mga payo sa ugnayan o relasyon sa pagitan ng mga kahilingang tugtugin at nilalarawan niya ang kanyang sarili bilang "the queen of sappy love songs" o "ang reyna ng makalalag-luhang (makatas na) mga awitin ng pag-ibig". Isa sa mga panulukang-bato ng kanyang palabas ay ang paggamit ng mga mananawag. Sa kadalasan, sinasabi ng tumatawag ang kanilang kalagayan o kuwento kay Delilah, at pagkaraan ay pumipili si Delilah ng isang kanta na nadarama niyang pinaka tumutugma sa situwasyon ng mananawag. Nagpapatugtog din siya ng mga awit na tuwirang hinihiling.

Orihinal na naririnig lamang tuwing karaniwang gabi lingu-linggo (walang Sabado at walang Linggo), ang mga estasyon na tumatangkilik kay Delilah ay maaari nang ipalabas ngayon ang programa anim o pitong gabi bawat linggo, na karamihan nga sa mga estasyon ay nagdaragdag ng kahit na isang palabas tuwing Sabado o Linggo bilang dagdag sa palabas na gabi-gabi tuwing Lunes hanggang Biyernes.

May ilang makukuhang mga bersyon ng programa[2], at sa ilang mga pagkakataon, malaya ang mga estasyo ng radyo na ipalit ang kanilang mga awit sa talaan ng mga pinatutugtog.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Pahinang pangkabatiran hinggil sa palabas Naka-arkibo 2009-04-19 sa Wayback Machine. mula sa Premiere Radio Networks
  2. "JS Online: Rancor tinges Rather's departure". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-03-30. Nakuha noong 2010-06-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)