Delta ng Nilo
Ang Delta ng Nilo ay ang deltang nabuo sa Hilagaing Ehipto (Mababang Ehipto) kung saan lumalawak ang Ilog ng Nilo papunta sa Dagat Mediteraneo. Isa ito sa pinakamalalaking mga delta ng ilog – magmula Alejandria sa kanluran hanggang Puwerto ng Said sa silangan, na sumasakop ng ilang 240 km ng guhit ng dalampasigan ng Mediteraneo – at isa itong mayamang rehiyong pang-agrikultura. Mula hilaga hanggang silangan, tinatayang may habang 160 km ang delta. Bahagyang nagsisimula ang delta sa ibaba ng ilog mula sa Cairo.
Ito ang lunduyan ng lumang kabihasnan sa Ehipto. Ang madalas na pagbaha ng Ilog Nilo taun-taon ang nakapag-iiwan ng makapal na banlik na nagiging matabang lupa. Ang kabuuan nito ang nakapagbuo ng hugis-tatsulok na lupain na tinawag na Nile Delta. Pinaninirahan ang pook na ito ng maraming sinaunang tao noong 6000 BCE, Panahong Neolitiko.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya at Ehipto ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.