Demanda (batas)

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang demanda o habla o paghahabla (Sa Ingles ay lawsuit) ay isang sibil na aksiyon na dinadala sa isang korte ng batas kung saan ang nagsasakdal(plaintiff) na partidong nang-aangkin na nagkamit ng pinsala o kawalan(loss) bilang resulta ng aksiyon(o kagagawan) ng isinasakdal(defendant), ay humihiling ng legal na makatarungan at walang kinikilingang lunas. Ang nasasakdal(defendant) ay kailangang tumugon sa reklamo ng nagsasakdal(plaintiff). Kung ang nagsasakdal ay nagtagumpay, ang hatol ay ibibigay sa panig ng nagsasakdal at ang iba ibang mga atas ng korte ay ipalalabas upang magpatupad ng karapatan, magkaloob ng mga danyos(damages) o magpataw ng temporaryo o permanenteng inhunksiyon upang magpigil o magpilit ng isang akto(pag-aasal). Ang isang deklaratoryong hatol ay maaaring ilabas upang pigilan ang mga hinaharap na alitang legal. Bagaman hindi karaniwan, ang demanda ay maaari ring tumukoy sa kriminal na aksiyon, pamamarang kriminal o pag-aangking kriminal.

Pag-usad ng isang demanda[baguhin | baguhin ang batayan]

Pagsamo(pleading)[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang isang demanda ay nagsisimula kung ang isang reklamo ay isinampa(filed) sa korte. Ang nagrereklamong ito ay magsasaad na ang isa o maraming mga nagsasakdal(plaintiff) ay naghahagad ng danyos perwisyo(damages) o makatarungang lunas mula sa isa o maraming mga sinasaad na mga sinasakdal(defendant) at tutukuyin ng nagsasakdal(plantiff) ang makatotohanang basehang sa pagsasagawa nito. Mahalaga na ang nagsasakdal ay pumili ng angkop na lugar na may angkop na hurisdiksiyon upang magdala ng demanda. Ang klerk ng korte ay lalagdaan o seselyohan ng selyo ng korte ang pagtawag(summons) na ihahain ng nagsasakdal(plaintiff) sa sinasakdal(defendant) kasama ang kopya ng reklamo. Ang paraang ito ay nagbibigay-alam sa sinasakdal na sila ay dinedemanda at sila ay merong spesipikong itinakdang panahon upang maghain ng tugon. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng kopya ng reklamo, ang paraang ito ay nagbibigay-alam din sa sinasakdal ng kalikasan ng reklamo. Pag naihain na sa sinasakdal ang pagtawag(summon) at ang reklamo, sila ay sasailalim sa isang itinakdang panahon upang maghain ng tugon na nagsasaad ng kanilang pagtatanggol(defenses) sa pag-aangkin ng nagsasakdal kabilang ang mga hamon sa hurisdiksiyon ng korte at anumang kontra-pag-aangkin(counterclaims) na nais nilang isaad sa nagsasakdal(plaintiff). Sa ilang mga hurisdiksiyon ng Estados Unidos gaya ng New York, ang isang demanda ay nagsisimula kung ang isa o maraming mga nagsasakdal ay angkop na naghahain ng pagtawag at reklamo sa isinasakdal. Sa gayong mga hurisdiksiyon, hindi na kailangan pang isampa sa korte malibang ang alitan ay lumala at nangangailangan ng aktwal na pamamagitan ng hukom.

Kung ang isinasakdal ay pumili na magbigay ng tugon sa loob ng itinakdang panahon, ang tugon ay dapat sumagot sa bawat mga alegasyon ng nagsasakdal sa pamamagitan ng pag-amin dito, pag-tanggi dito o pagsamo ng kawalang sapat na impormasyon upang umamin o tumanggi sa alegasyon. Ang ilang mga hurisdiksiyon gaya ng California ay pumapayag pa rin sa pagtanggi ng bawat mga alegasyon sa reklamo. Sa pagibigay ng tugon, ang nasasakdal ay maaari ring magtaas ng lahat ng apirmatibong depensa(pagtatanggol) na kanyang pinanghahawakan. Maaari ring magsaad ng kontra pag-aangkin(counterclaims) ang sinasakdal para sa danyos(damages) o makatarungang lunas laban sa nagsasakdal at sa kaso ng "kinakailangang kontra-pag-aangkin" ay dapat isaad ito ng nasasakdal o manganib na ang kontrang-pag-aangkin nito ay maharang sa mga susunod na proseso. Ang isang nasasakdal ay maaari ring magsampa ng "ikatlong partidong reklamo" kung saan ito ay naghahangad na sumali sa ibang partido o mga partido sa aksiyon kung naniniwala ito na ang mga partidong ito ay may pananaugtan sa ilan o lahat ng pinsala na natamo ng nagsasakdal. Ang pagsasampa ng tugon ay "sumasali sa layunin" at naglilipat sa kaso sa yugtong bago-ang-paglilitis(pre-trial).

Imbis na magsampa ng sagot sa itinakdang panahon sa pagtawag(summons), ang nasasakdal ay maaaring piliin na lumaban sa reklamo sa pamamagitan ng pagsasampa ng "demurrer"(sa mga hurisdiksiyon na pumapayag sa paraang ito) o isa o mga maraming "bago-ang sagot na mga mosyon" gaya ng "mosyon na iwaksi"(motion to dismiss). Ang mosyong ito ay dapat isampa sa loob ng panahong itinakda sa pagtawag(summons) para sa pagtugon. Kung ang lahat ng gayong mga mosyon ay itinanggi ng korteng naglilitis at ang nasasakdal ay natalo sa lahat ng apela sa mga pagtangging ito, ang nasasakdal ay dapat magsampa ng tugon.

Sa karaniwan, ang mga pagsamo ay binabalangkas ng isang abogado ngunit sa maraming korte, ang mga tao ay pwedeng magsampa ng mga papeles at ikatawan ang kanilang sarili na tinatawag na pro se. Maraming mga korte ang may klerk na pro se upang tulungan ang mga taong walang abogado.

Bago ang paglilitis[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang simulang yugto ng demanda ay maaaring sumangkot sa inisyal na paglalantad ng mga ebidensiya ng mga partido at pagtuklas na isang may nakabalangkas na pagpapalit ng mga ebidensiya at pahayag sa pagitan ng mga partido. Ang pagtuklas ay naglalayong alisin ang mga surpresa at liwanagin kung ano ang pinatutungkulan ng demanda at upang maunawaan ng mga partido na dapat nilang ayusin o ilaglag ang mga kahangal hangal at pribolosong(hindi mananalo o walang tsansang manalo) na mga reklamo at pagtatanggol. Sa puntong ito, ang mga partido ay maaari ring lumahok sa isang bago-ang-paglilitis na mosyong pagsasanay upang hindi isama o isama ang partikular na legal o paktwal na mga isyu bago ang paglilitis.

Sa pagtatapos ng pagtuklas, ang mga partido ay maaaring pumili ng hurado(jury) at magkaroon ng paglilitis ng hurado(jury trial) o ang kaso ay ituloy sa isang "bangkong paglilitis"(bench trial) na dinidig lamang ng isang hukom. Ito ay dahil kung ang mga partido ay isinuko ang kanilang karapatan sa isang "paglilitis ng hurado", ang isang paglilitis ng hurado ay hindi ginagarantiya para sa partikular na pag-aangkin ng mga ito o sa anumang demanda sa loob ng hurisdiksiyon nito.

Paglilitis[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa isang paglilitis, ang bawat partido ay maglalabas ng mga saksi at magpapasok ng ebidensiya sa rekord na pagwawakas ng paglilitis na ito ay maglalabas ang isang hukom o hurado(jury) ng desisyon. Sa pangkalahatan, nasa nagsasakdal(plaintiff) ang bigat ng pagpapatunay sa kanyang mga pag-aangkin. Gayunpaman, ang nasasakdal(defendant) ay maaaring may bigat ng pagpapatunay sa ibang mga isyu gaya ng apirmatibong depensa. Maraming mga mosyon na ang magkabilang panig ay maaaring isampa sa kabuuan ng demanda upang wakasakan ng mas maaga(prematurely) bago ang isailalim sa hukom o hurado para sa huling konsiderasyon. Ang mga mosyong ito ay nagtatangka na hikayatin ang hukom sa pamamagitan ng mga legal na argumento at minsan ay sinasamaha ng mga ebidensiya na dahil wala ng makatwirang paraan na ang kabilang panig ay legal na mananalo, wala ng halaga na ipagpatuloy pa ang paglilitis. Ang mga mosyon para sa buod na hatol bilang halimbawa ay maaaring dalhin bago, pagkatapos at habang isinasagawa ang aktwal na presentasyon ng kaso. Ang mga mosyon ay maaari ring isampa pagkatapos ng pagtatapos ng paglilitis upang bawiin ang hatol ng hurado na labag sa batas o sa timbang ng ebidensiya, o upang hikayatin ang hukom na dapat nitong palitan ang desisyon nito at maggawad ng panibagong paglilitis.

Gayundin, sa anumang panahon habang isinasagawa ang proseso mula sa pagsasampa ng reklamo hanggang sa huling hatol, ang nagsasakdal(plaintiff) ay maaaring bawiin ang kanyang reklamo at wakasan ang demanda o ang sinasakdal(defendant) ay umaayon sa isang pakikipag-ayos(settlement). Kung ang kaso ay napagkasunduang ayusin, ang mga partido ay maaaring pumasok sa isang stipuladong(may kondisyon) hatol na ang kasunduan ay nakakabit o ang nagsasakdal ay magsampa ng boluntaryong pagtatapon(dismiss) upang ang mga napagkasunduan ay hindi na maipasok sa rekord ng korte.

Apela[baguhin | baguhin ang batayan]

Pagkatapos ibaba ang isang pinal na desisyon, ang anuman o parehong partido ay maaaring mag-apela sa hatol kung naniniwala silang may pagkakamali sa pamamaraan na nagawa ang korte. Kahit ang nanalong partido ay maaaring mag-apela kung halimbawa nais nitong mas malaki ang danyos na ipagkakaloob. Ang apeladong korte at/o mas mataas na korte ay maaaring pagtibayin ang hatol, tanggihan ang pagdinig dito(na epektibong nagpapatibay dito), baliktarin ang hatol o i-bakante at ibalik na nagsasangkot sa pagbabalik ng demanda sa mababang korte upang bigyang tuon ang mga hindi naayos na isyu o posibleng para sa isang bagong paglilitis. Ang ilang mga demanda ay umaakyat at bumababa sa mga hagdanan ng apela ng paulit ulit bago makamit ang pinal na resolusyon.

Ang ilang mga hurisdiksiyon gaya ng Estados Unidos ay pumipigil sa mga partido sa muling paglilitis ng mga katotohanan sa apela dahil sa kasaysayan ng mga walang prinsipyong mga abogado na sadyang inilalaan ang gayong mga isyu(ang "inbitadong mali" na problema) upang tambangan ang bawat isa sa apeladong korte. Ang idea ay mas maigi na pwersahin ang lahat ng mga partido na buong litisin ang lahat ng mahahalagang mga isyu sa harap ng korteng paglilitis(trial court). Sa ganitong paraan, kung ang isang partido ay hindi nagtaas ng isang isyu sa lebel ng korteng paglilitis, hindi nito maitataas ang gayong isyu sa apela. Sa karagdagan, ang mga apeladong korte sa mga gayong huridiksiyon ay hindi magtatanong sa mga katotohanan na natagpuan ng hukom o hurado sa korteng paglilitis hangga't mayroong ebidensiya sa rekord na sumusuporta sa gayong natagpuang katotohanan kahit pa ang ang hukom ng apeladong korte ay hindi personal na maniniwala sa saligang ebidensiya kung siya ay nasa korteng paglilitis nang ipasok ang mga gayong ebidensiya sa rekord.

Kung ang demanda ay pinal na napagpasyahan o ang itinakdang panahon upang magsampa ng apela ay natapos na, ang isyu ay res judicata. Ang nagsasakdal(plaintiff) ay pinipigilan sa pagsasampa ng reklamo na magreresulta sa parehong reklamo. Sa karagdagan, ang ibang mga partido na sa kalaunan ay magtatangka sa muling paglilitis ng isyu na napagpasyahan na mula sa nakaraang demanda ay pinipigilan sa pamamagitan ng estoppel.

Pagpapatupad[baguhin | baguhin ang batayan]

Kung ang isang pinal na hatol ay naipasok sa rekord, ang nagsasakdal ay pinipigilan sa ilalim ng doktrinang res judicata na subukang muling magsampa ng parehong reklamo laban sa isinasakdal(defendant) o muling litisin ang anumang mga isyu kahit pa nasa ilalim ng ibang mga legal na pag-aangkin o teoriya. Ito ay pumipigil sa bagong paglilitis sa parehong kaso na may ibang resulta o kung nanalo ang nagsasakdal, ang isang inulit na paglilitis na nagpaparami lamang ng hatol laban sa isinasakdal.

Kung ang hatol ay para sa nagsasakdal, ang nasasakdal ay dapat sumunod sa ilalim ng parusa ng batas sa hatol na karaniwan ay gantimpalang salapi. Kung ang isinasakdal ay nabigong magbayad, ang korte ay may kapangyarihan na kunin ang anumang pag-aari ng isinasakdal sa loob ng huridiksiyon nito gaya ng:

Kung ang lahat ng mga pag-aari ng isinasakdal ay nasa ibang lugar, ang nagsasakdal ay maaaring magsampa ng iba pang dema sa angkop na korte upang ipatupad ang naunang hatol ng ibang korte. Isa itong mahirap na trabaho kung tatawid mula sa isang korte sa isang estado ng Estados Unidos o bansa sa iba pang estado o bansa bagaman ang mga korte ay may kagawiang magbigay ng respeto sa bawat isa kung walang maliwanag na patakarang legal na salungat dito. Ang isang isinasakdal na walang pag-aari sa anumang hurisdiksiyon ay sinasabing "hindi tinatalaban ng hatol". Ang terminong ito ay sa pangkalahatan isang kolokiyalismo upang ilarawan ang isang "dukhang isinasakdal".

Ang mga dukhang hindi tinatalaban ng hatol na mga isinasakdal ay hindi na ibinibilanggo. Ang pagbibilango sa mga may utang ay ginawang ilegal sa batas, amiyendang konstitusyonal, internasyonal na kasunduang pangkarapatang tao sa karamihan ng mga hurisdiksiyon ng batas.