Nagsasakdal

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Ang nagsasakdal o naghahabla o nagdedemanda o nagrereklamo (Sa Ingles ay plaintiff, claimant o complainant na may simbolong Π sa legal na maiklingkamay) ang terminong ginagamit sa ilang hurisdiksiyon upang tukuyin ang partido na nagpapasimula ng isang demanda(lawsuit o action) sa harap ng korte laban sa isinasakdal(defendant) na nagsanhi ng pinsala o kawalan sa nagsasakdal. Sa paggawa nito, ang nagsasakdal ay naghahangad ng legal na lunas at kung magtagumpay, ang korte ay maglalabas ng hatol na pabor sa nagsasakdal at magsasagawa ng karampatang mga atas(halimbawa danyos perwisyo).