Pumunta sa nilalaman

Desentralisasyon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Desentralisasyon ay isang paraan ng pagsasalin ng kapangyarihan at awtoridad mula sa pambansang pamahalaan patungo sa lokal na pamahalaan. Napatupad at sinimulang gamitin ito sa Pilipinas noong panahon ni Pangulong Corazon Aquino.

Naipasa noong panahon ni Pangulong Corazon Aquino ang RA 7160 o mas kilala bilang " The Local Government Code of 1991". Ito ang naging daan upang maaprubahan ang paglilipat ng kapangyarihan at awtoridad sa mga lokal na unit ng pamahalaaan. Sa ganitong sistema ng pamamahala, ang lokal na pamahalaan na ang siyang nagbubuo at gumagalaw para sa mga proyekto ng kanilang lugar. Sila na rin ang namamahala ng mga gawain na nooy nasa responsibilidad ng pambansang lebel. Kasama na rin sa kanila ng jurisdiksiyon ang pangangalap ng sapat na pondo upang maitaguyod ang mga proyekto. Sa paraang ito, nabibigyan ng kalayaan ang ating mga lokal na pamahalaan na tumayo sa sarili nilang mga paa.

Sa kabilang banda, hindi pa din nawawala ang pamamahala ng pambansang lebel. Nariyan pa rin sila upang gabayan ang pangkalahatang pamamahala sa mga ito. Nakakaapekto pa rin sila sa mga desisyon na ginagawa ng lokal na pamahalaan. Ito rin ay isang paraan ng ating pambansang pamahalaan upang mapalapit ang gobyerno sa ating mga mamamayan. Bilang nariyan ang ating pamahalaan para pagsilbihan ang bayan, nararapat lamang na accessible ito sa atin.

Mayroong dalawang klase ng desentralisasyon. Ito ay ang pampolitika na desentralisasyon at administratibong desentralisasyon. Sa Pampolitika na desentralisasyon, mas binibigyan nito ng kapangyarihan ang ating mga mamammayanupang makapili kung sino ang nais nilang maglingkod sa sambayanan. Nagaganap ito sa pamamagitan ng eleksiyon at botohan.Nilalayon nito na isama ang mga mamamayan at makibahagi para sa pambublikong pagdedesisyon. Samantala, ang administratibong desentralisasyon naman ay ang paglilipat ng responsibilidad at awtoridad sa lokal na pamahalaan. Ilan sa mga gawain na inilipat rito ay ang pagpaplano ng mga polisiya at proyekto at saka pangangalap ng pondo. Mayroong iba't ibang klase din ng administratibong desentralisasyon. Ito ay ang dekonsentrasyon, delegasyon at debolusyon.