Pumunta sa nilalaman

Deliryo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Diliryo)

Ang deliryo ay isang gusot, gulo, o kaguluhan ng isip. Mailalarawan sa malawak na kahulugan ang deliryo bilang isang sakit, dipirensya, o kapansanan sa kaisipan na may pagkahibang, asak, paglilibat o pagkalibat, pagka-bangag, pagka-"durog", at hindi mapigil na sobrang damdamin o emosyon at kasiglahan o kasiyahan.[1][2] Tinatawag na deliryante o nagdedeliryo ang taong may deliryo.[1] Sa larangan ng medisina, mas espesipikong ginagamit ng mga manggagamot ang katawagang deliryo para ilarawan ang mga pasyenteng may nawalang bahagi o lahat ng kakayanang magtuon ng pansin. Mayroon ang ganitong mga tao ng mga suliranin sa konsentrasyon o makaalala ng mga bagay o mga tao.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Gaboy, Luciano L. Delirium, deliryo - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. "Delirium". Hammond Quick & Easy Notebook Reference Atlas & Webster Dictionary. Hammond, ISBN 0843709227., pahina 50.

Panggagamot Ang lathalaing ito na tungkol sa Panggagamot ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.