Pumunta sa nilalaman

Dinastiyang Julio-Claudio

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
dinastiyang Julio-Claudio
Latin: Domus Julio-Claudia
Romanong dinastiyang imperyal
Busto ng isang Julio-Claudio na prinsipe
Parent house
Country Imperyong Romano
Founded27 BK (27 BK)
FounderAugusto
Final rulerNero
TitlesEmperador ng Roma
Faraon ng Ehipto[1]
Prinsipe ng Senado
Pinakadakilang Pari ng Roma
Style(s)"Imperator"
"Caesar"
"Augustus"
Connected families
Estate(s)
DepositionAD 68 (AD 68) (ipinabagsak ni Galba)

Ang dinastiyang Julio-Claudio ay binubuo ng unang limang emperor ng Roma: Augusto, Tiberio, Caligula, Claudio, at Nero.[2] Pinamunuan nila ang Imperyong Romano mula sa pagkakabuo nito sa ilalim ng Augusto noong 27 BK hanggang AD 68, nang magpakamatay ang huli sa linya, si Nero.[3] Ang pangalang "Julio-Claudio" ay isang salitang pangkasaysayan na nagmula sa dalawang pamilya na binubuo ng dinastiyang imperyal: ang Julii Caesares at Claudii Nerones. Ang tagapagtatag nito na si Augustus Caesar ay may dugong Julian sa pamamagitan ng kanyang lola sa ina na si Julia Caesaris. Siya ay naging Julian sa pangalan na Gaius Julius Caesar "Octavianus" dahil sa pag-ampon ng kanyang dakilang tiyuhin na si Gaius Julius Caesa

Si Claudius ay isang Claudian, subalit gaya ni Augustus Caesar, siya'y nagmula sa pamilya Julian sa pamamagitan ng kanyang lola sa ina na si Octavia Minor— ang kapatid na babae ni Augustus— na ang lola sa ina ay si Julia, ang kapatid na babae ni Caesar.

Tulad ni Caligula, si Nero ay mayroon ding dugong Julian at Claudian. Siya ay apo sa tuhod ni Augustus.

Ang Pag-akyat at Pagbagsak ng Julio-Claudian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nang hindi nagkaroon ng anak na lalaki at tagapagmana si Augustus, ipinakasal niya ang kanyang tunay na anak na babaeng si Julia sa kanyang pamangkin na si Marcus Claudius Marcellus subalit si Marcellus ay namatay sa pagkalason sa pagkain noong 23 BC kaya ipinakasal muli ni Agustus ang kanyang anak na babae sa kanyang tapat na kaibigang si Marcus Vipsanius Agrippa. Ang pagsasama nila ay nagdulot ng limang anak, tatlong anak na lalaki at dalawang anak na babae: Gaius Caesar, Lucius Caesar, Vipsania Julia, Agrippina, and Postumus Agrippa.

Sina Gaius at Lucius na mga unang anak nina Julia at Agrippa ay inampon ni Augustus at mga naging tagapagmana ng trono. Namatay si Agrippa noong 12 BC at ipinagutos ni Augustus na hiwalayan ni Tiberio ang kanyang asawang Vipsania upang pakasalan ang dalawang beses na nabiyudang si Julia. Si Drusus na kapatid ni Tiberio ay namatay noong 9 BC pagkatapos mahulog sa sinasakyang kabayo.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang buong artikulo o mga bahagi nito ay isinalin magmula sa artikulong Julio-Claudian_dynasty ng Ingles na Wikipedia, partikular na ang bersiyong ito.

  1. Stele names Roman Emperor Octavian Augustus as Egyptian Pharaoh. Link - https://www.independent.co.uk/life-style/history/stele-names-roman-emperor-octavian-augustus-as-egyptian-pharaoh-1937308.html
  2. Brill's New Pauly, "Julio-Claudian emperors"
  3. There is some variation in usage; in strictly chronological contexts, it can be useful to distinguish between the long reign of Augustus and his Julio-Claudian (or Claudian) successors, the four of whom together reigned about as long as Augustus himself.