Pumunta sa nilalaman

Diocles (matematiko)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Diocles
Kapanganakan240 BCE (Huliyano)
  • ()
Kamatayan180 BCE (Huliyano)
Trabahomatematiko

Si Diocles (Griyego: Διοκλῆς;  240 BK - 180 BK) ay isang matematiko at heometrang Griyego.

Buhay at karera

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bagaman kakaunti lamang ang kaalaman tungkol sa buhay ni Diocles, alam na siya ay kapanahon ni Apollonius at yumabong ang kaniyang karera sa pagitan ng katapusan ng ikatlong siglo bago ang kapanganakan ni Kristo at simula ng ikalawang siglo bago ang kapanganakan ni Kristo.

Si Diocles umano ang unang tao na nakapagpatunay sa katangian na mayroong focal property ang parabola. Naiuugnay ang pangalan niya sa kurbang heometrikong tinatawag na Cissoid of Diocles. Ginamit ito ni Diocles upang maresolba ang problemang lumilitaw kapag dinodoble ang isang cube. Binanggit ni Proclus ang kurbang ito sa komentaryo niya kay Euclid at iniugnay naman ito ni Geminus kay Diocles sa simula pa lamang ng unang siglo.

Bahagi ng likha ni Diocles na may pamagat na On Burning Mirrors ay ipinreserba ni Eutocius sa kaniyang komentaryo sa likha ni Archimedes na On the Sphere and the Cylinder. Sa makasaysayang pananaw, ang likha ni Diocles ay nagkaroon ng malaking impluwensiya sa mga matematikong Arabe, lalo na kay al-Haytham, isang henyo sa Cairo noong ikalabing-isang siglo na kilala ng mga taga-Europa bilang “Alhazen.” Ang likhang iyon ay naglalaman ng labing-anim na panukala na nakaloob sa alimusod na seksyon. Isa sa mga bahagi ay nilalaman ang ikapito at ikawalong panukala na solusyon sa problemang kinakaharap tuwing hinahati ang sphere (o kalipunan) sa pamamagitan ng plane nang sa gayon ay magresulta ito na ang dalawang volume ay alinsunod sa binigay na proporsyon. Ang ikasampung panukala ay nagbibigay ng solusyon sa problemang kinakaharap kapag dinodoble ang cube (o kubo). Katumbas ito ng paglutas ng isang partikular na ekwasyong kubiko. Ang isa pang bahagi ay naglalaman ng ikalabing-isa at ikalabing-dalawang panukala na gumagamit ng cissoid upang lutasin ang problema ng paghahanap ng dalawang gitnang proporsyon sa pagitan ng dalawang kalakhan. Dahil ang likhang ito ay tumatalakay sa paksa higit pa sa nasusunog na salamin, maaaring ang On Burning Mirrors ay ang kabuuan ng tatlong mas maikli pang likha ni Diocles.