Dionisio II ng Siracusa
Si Dionisio na Nakababata, Dionisio II ng Siracusa, o Dionisio II (Ingles: Dionysius the Younger, Dionysius II of Syracuse, o Dionysius II) (c. 397 BCE – 343 BCE) ay namuno sa Syracuse (Siracusa), Sicily mula 367 BCE hanggang 357 BCE at muling namuno mula 346 BCE hanggang 344 BCE.
Siya ang anak na lalaki ni Dionisio na Nakatatanda (Dionisio I ng Siracusa). Nang mamatay ang kaniyang ama noong 367 BCE, nagsimulang mamuno si Dionisio sa ilalim ng pangangasiwa (superbisyon) ng kaniyang tiyong pilosopo na si Dion. Ang hindi pagkagusto ni Dion sa labis-labis na napakasamang gawi sa pamumuhay (maaksaya at talipandas) ay nakapag-udyok sa kaniya na anyayahan ang guro ni Dionisio II na si Plato upang dalawin ang Siracusa. Magkasama nilang muling ayusin ang kayarian ng pamahalaan upang maging katamtaman at may pag-alalay, kung saan si Dionisio II ang gumanap bilang ang arketipal na pilosopong hari (tingnan ang Ikapitong Liham ni Plato).
Dahil sa pagkagalit ni Dionisio sa pagtatangka ng pilosopong si Dion, kinutsaba ni Dionisio ang manunulat ng kasaysayan na si Philistus at pinalayas niya ang kaniyang tiyo, at nakuha niya ang lubos na kapangyarihan noong 366 BCE. Ang pamumuno ni Dionisio ay naging tumatataas ang hindi pagiging tanyag, dahil sa siya ay karamihang hindi mabisa sa pamumuno ng mga tauhan at hindi matalab sa pag-aatas ng mga sundalo. Nang samuin o manawagan si Plato sa pagpapabalik kay Dion, ang nainis na si Dionisio ay nakialam sa mga ari-arian at mga pananalapi ni Dion at ipinamigay niya ang asawa ni Dion sa ibang lalaki. Bago maganap ito, ang mga lupain at mga ari-arian ni Dion ay pinamahalaan ni Dion nang mapayapa ang kaniyang mapayapa at maginhawang buhay sa ibayong dagat habang nasa Atenas, subalit ang huling paniniphayo ni Dionisio ay nakapag-udyok kay Dion upang kumilos.
Bumuo si Dion ng isang maliit na hukbo sa Zacynthus at nagbalik sa Sicilia noong 357 BCE, na ikinasiya ng mga Siracuso (mga taga-Siracusa). Nang dahil sa si Dionisio ay nasa Caulonia, Italya noong panahong iyon, madaling nakuha ni Dion ang lahat maliban na lamang sa pulong kuta (muog) ng Siracusa. Kaagad na naglayag pabalik sa Siracusa si Dionisio, at sa kaniyang pagbabalik ay nagtangka siya ng mga pagsalakay magmula sa kuta at sinubok na makipagkasundo ng mga tratadong pangkapayapaan. Nang hindi siya magtagumpay sa lahat ng mga pagtatangka, naglayag siyang palayo papunta sa Locri, Italya at iniwan niya ang kuta sa mga kamay ng kaniyang anak na lalaking si Apollocrates.
Habang nasa panahon ng pagkakalayo, nakinabang si Dionisio sa palakaibigang mga mamamayan ng Locri at naging maniniil ng lungsod, na minamaltrato niya nang labis ang mga katutubong mga tao roon. Hindi siya nagbalik sa Siracusa hanggang sa pagsapit ng 346 BCE, walong taon pagkaraan ng asasinasyon ni Dion na ginawa ng kaniyang mga tauhan. Sa agad na paglisan ni Dionisio mula sa Locri, tinugis at pinaalis ng mga katutubo roon ang natitirang mga tropa ng mga sundalo ni Dionisio at ginantihan nila ang asawa at mga anak na babae ni Dionisio. Muling nakuha ni Dionisio ang kapangyarihan sa Siracusa dahil lamang sa malaking kawalan ng katatagan sa politika nito, dahil sa hindi pa rin siya gusto ng mga Siracuso. Sa naunang ilang mga taon, maraming iba pang mga lungsod sa Sicilia ang humiwalay mula sa Siracusa at pinamunuan ng mga katutubong maniniil. Ilan sa mga lungsod na ito ang sumali sa mga taga-Siracusa sa isang paglusob laban kay Dionisio na naging napakamatagumpay, at napilitan si Dionisio na umatras sa kuta ng Siracusa. Sa panahong ito, noong 344 BCE, dumating si Timoleon at sinimulan niya ang pagsalakay sa Sicilia. Bilang paggalang kay Timoleon at dahil alam na niyang hindi na siya magtatagumpay, inasikaso ni Dionisio ang pagsuko ng kuta at nabigyan siya ng ligtas na pagdaan papunta sa Corinto, Gresya. Sa loob ng sumunod na taon hanggang sa kaniyang kamatayan, namuhay nang pribado si Dionisio sa Corinto habang nasa unti-unti kalagayang malumbay.
Sa kulturang popular
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isa si Dionisio sa pangunahing mga tauhan sa alamat ng Espada ni Damocles. Lumitaw din si Dionisio sa Impiyerno ni Dante (Dante's Inferno), kung saan tinawag siya bilang "Dionisio ng Sicilia" sa Canto 12. Kapiling siya ng maraming mga kaluluwa na pinangalanan ni Chiron na pinakukuluan sa dugo dahil sa karahasan laban sa ibang mga tao.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Ang artikulong ito ay nagsasama ng mga teksto mula sa isang lathalain na ngayon ay nasa dominyong publiko na: article name needed.
{{cite ensiklopedya}}
:|editor-first=
missing|editor-last=
(tulong); Invalid|ref=harv
(tulong); Unknown parameter|editorlink=
ignored (|editor-link=
suggested) (tulong)
Nauna si: Dionisio na Nakatatanda |
Maniniil ng Siracusa 367 BCE – 356 BCE |
Sinundan ni: Dion |
Nauna si: Nysaeos |
Maniniil ng Siracusa 347 BCE – 344 BCE |
Sinundan ni: Timoleon |