Diperensiyang histrioniko na personalidad

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Diperensiyang histrioniko na personalidad
Klasipikasyon at mga panlabas na sanggunian
ICD-10F60.4
ICD-9301.50
MeSHD006677

Ang Diperensiyang histrioniko na personalidad(Histrionic personality disorder) ay isang saykayatrikong diyagnosis kung saan ang isang indibidwal ay kinakikitaan ng isang paterno ng labis na pagkamaemosyonal at paghahanap ng pansin, kabilang ang isang labis na pangangailangan na maaprubahan at hindi naaangkop na mapang-akit na pag-aasal. Ang personalidad na ito ay karaniwang nagsisimula sa maagang karampatang gulang. Ang mga indibidwal na ito ay masigla, dramatiko, masigasig, at malandi. Bukod dito, ang mga indibidwal na ito ay naghahayag ng malakas na emosyon na may istilong panggagaya at madaling maimpluwensiyahan ng iba. Ang kaakibat na mga katangian ay egosentrismo(sobrang pagpapahalaga sa sarili), malayaw sa sarili, patuloy na paghahanap ng papuri at pagiging manipulatibo o mapagpapaikot sa ibang tao upang makamit ang mga kagustuhan.