Diperensiyang paranoid na personalidad
Diperensiyang paranoid na personalidad | |
---|---|
Klasipikasyon at mga panlabas na sanggunian | |
ICD-10 | F60.0 |
ICD-9 | 301.0 |
MedlinePlus | 000938 |
MeSH | D010260 |
Ang Diperensiyang paranoid na personalidad(Paranoid personality disorder) ay isang saykayatrikong diyagnosis kung saan ang isang indibidwal ay kinakikitaan ng paranoya at isang malaganap, patuloy na paghihinala at pangkalahatan kawalang tiwala sa ibang tao.
Ang mga indibidwal na may ganitong kalagayan ay sobrang sensitibo, ay madaling inisin, at laging nagbabasa ng kapaligiran para sa mga pahiwatig o mungkahi upang patunayan ang mga paniniwalang ito. Ang mga indibiduwal na paranoyd ay sabik na tagamasid. Palagi nilang iniisip na sila ay nasa panganib at naghahanap ng mga senyas at palatandaan ng mga panganib na ito ngunit hindi isinalang alang kung ito ay totoo. Ang mga indibidwal ding ito ay may posibilidad na palaging nababantayan at palaging naghihinala at may masyadong pigil na buhay emosyonal. Ang kanilang kawalang kakayahan sa isang makabuluhang emosyonal na paglahok at pangkaraniwang paglayo at pag-iisa ay nagbibigay sa kanila ng kalidad ng isolasyong skisoid sa kanilang mga karanasan sa buhay.