Pumunta sa nilalaman

Display tuldok-matris

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Halimbawa ng isang animadong tuldok-matris na display na may proporsyon ang font

Ang display tuldok-matris ay isang tekladong electronikong aparadong display na nagpapakita ng mga impormasyon sa mga makina kagaya ng mga orasan at relo, tagapagpahiwatig ng pag-biyahe sa pampublikong transportasyon, at marami pang iba mga aparato na kinakailangan ng isang aparatong display na naka-alpanumerikong (at/o grapikong) sa limitadong resolusyon.

Ang display na ito ay binubuo ng mga ilaw tuldok-matris o mga makinaryang tagapagpahiwatig nakaayos sa kumpigurasyong parihaba (bihira lang ang mga iba pang mga hugis, maliban sa parihaba) sa gayon na pag-on o off ng mga napiling ilaw, naka-display ang teksto o grapiks. Sa isang tuldok-matris na kontroler, ini-convert ang mga tagubilin sa prosesor bilang mga senyal na pwedeng maka-on o off ng mga elementong tagapagpahiwatig sa matris para makagawa ng display.

Resolusyon ng Pixel

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Klasikong 5×7 LCD tuldok-matris na ginagamit ng mga ibang sinaunang teleponong selular at vending machines

Karaniwang sukat ng mga display tuldok-matris:

  • 128×16 (Nakadalawang linyahan)
  • 128×32 (Naka-apat na linyahan)
  • 128×64 (Nakawalong linyahan)
  • 92×31 (Pwedeng naka-apat o nakatatlong linyahan)

Resolusyon ng karakter

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • 5×7 pixels ang karaniwang sukat ng karakter; pwedeng nakahiwalay ng mayroong mga linyang blangko na walang mga tuldok (malimit sa mga display naka-teksto lamang) o mayroong mga linya ng mga blangkong pixel (maging 6×8 ang aktwal na sukat nito). Kadalasang ito makikita sa mga grapikong kalkulador, kagaya ng mga kalkulador ng Casio o TI-82.
  • 3×5 ang maliit na bersyon nito (o 4×6 kapag nakahiwalay na mayroong mga blangkong pixel). Nakikita ito sa TI-80 na kalkulador bilang "tunay" na nakaayos sa 3×5 na font o malimit sa mga kalkulador naka-7×5 bilang proporsyonal (1×5 to 5×5) na font. Disbentaha ang mga matris naka-7×5 at mga mas maliit kaysa nito sa mga mayrong naka-disender na karakter na may maliliit na titik. Dahil nito, kadalasan ginagamit ang mga matris naka-11×9 na mas superyor ang resolusyon.
  • Pwedeng maprograma ang mga display na may sapat na resolusyon para tumulad ito sa mga kustomaryang numeral pattern na may pito na segemento.
  • Ginagamit ang mga sukat na 5×9 sa mga maraming kalkulador naka-natural display.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]