Domenico Morelli

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pinta sa sarili

Si Domenico Morelli (Agosto 4, 1823 – Agosto 13, 1901)[1] isang Italyanong pintor, na pangunahing gumagawa ng makasaysayang at relihiyosong mga gawa. Si Morelli ay napakalaki ng impluwensiya sa sining ng ikalawang kalahati ng ika-19 na siglo, kapuwa bilang direktor ng Accademia di Belle Arti sa Napoles, ngunit dahil din sa kaniyang pagiging mapanghimagsik laban sa mga institusyon: mga katangiang umusbong sa madamdamin, kadalasang makabayan, Romantiko at kalaunan ay mga simbolistang paksa ng kaniyang mga canvas. Si Morelli ang guro ni Vincenzo Petrocelli.

Kabilang sa kanyang maraming mga mag-aaral ay sina Giuseppe Costa, Francesco Paolo Michetti, Vittorio Matteo Corcos, Giuseppe Boschetto, Camillo Miola, Edoardo Tofano, Antonio Mancini, at Enrico Salfi . Idinisenyo ni Morelli ang mga fresco na ipininta para sa puntod ni Giacomo Leopardi, na matatagpuan sa simbahan ng San Vitale sa Fuorigrotta, ngunit tinapos ang mga ito pagkatapos ng pagkamatay niya ng kaniyang manugang na si Paolo Vetri.[2][3]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

 

  1. Calingaert, Efrem Gisella . "Morelli, Domenico." Grove Art Online. Oxford Art Online. Oxford University Press. Web.
  2. Anderton, page 91
  3. Antonio Mancini (Life and Work)