Pambansang Mataas na Paaralan sa Alaala ni Don Vicente Rama
Ang Pambansang Mataas na Paaralan sa Alaala ni Don Vicente Rama (sa Ingles: Don Vicente Rama Memorial National High School) ay isang mataas na paaralan sa Lungsod ng Cebu, Cebu, Pilipinas. Ang unang mataas na paaralan sa timog ng siyudad ng Cebu ay nabuksan noong 7 Hunyo 1993 at kumuha ng pangalan na Cebu City Don Carlos A. Gothong Memorial National High School – Basak Extension sa pamamagitan ng Kautusan ng Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports Blg. 5, serye ng 1989. Ito ay naging posible sa pamamagitan ng pinagsamasamang pagsisikap ng Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports na ngayon ay Kagawaran ng Edukasyon, Dibisyon ng Lungsod ng Cebu na pinanguguluhan ni Dr. Dolores P. Abellanosa at ang pamahalaan ng Lungsod ng Cebu kasama si Alvin B. Garcia bilang alkalde. Ang unang punung-guro ay si Dr. Matilde R. Mayonila. Ang salawikain ng paaralan ay "Knowledge, Virtue, Productivity" (Kaalaman, Kahalagahan, Kapakipakinabang).
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagsimula ang paaralan na may 300 mag-aaral sa unang baitang/taon sa 50 seksiyon. Nagkaroon ng labing-isang tagapangunang mga guro. Naging malaya ang paaralan sa pamamagitan ng pambansang pagpopondo noong 9 Oktubre 1993. Sa sumunod na taon, nagkaroon ng bagong pangalan ang paaralan, ang Basak National High School. Sa pamamagitan ng resolusyon ng Sangguniang Panlungsod noong 2004, ang pangalan na Basak National High School ay pinalitan ng Don Vicente Rama Memorial National High School o Pambansang Mataas na Paaralan sa Alaala ni Don Vicente Rama.
Si Don Vincent Rama, na kung saan pinangalan ang paaralan, ay naging kinatawan ng ikatlong distrito ng Cebue at siya ang naging kasangkapan bilang may-akda at panukala ng panukalang-batas ng pagkalikha ng Lungsod ng Cebu at naisabatas bilang Batas ng Komonwelt Blg. 58 sa pamamagitan ng Kongreso ng Pilipinas noong 20 Oktubre 1936. Kilala rin siya bilang "Ama ng Charter ng Lungsod ng Cebu."