Donatella Versace
Donatella Versace | |
---|---|
Kapanganakan | |
Nasyonalidad | Italyano |
Label | Versace, Versus Versace |
Si Donatella Versace /ver·sa·tse/ (Reggio di Calabria, 2 Mayo 1955) ay isang Italyanong fashion designer at kasalukuyang Bise-Presidente ng Versace Group, at siya ring punong tagadisenyo. Pag-aari niya ang 20 bahagdan ng lahat ng stock market assets ng Versace. Ang kaniyang kapatid na si Santo Versace ang nagmamay-ari sa 30 bahagdan. Minana ng anak ni Donatella's na si Allegra Versace ang 50 bahagdan ng stock ng kompanya sa pagkamatay ni Gianni Versace, na kapatid ni Donatella at nagtatag ng Versace.
Personal na buhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinanganak si Versace sa lungsod ng Reggio di Calabria sa Italya, siya ang pinakabata sa apat na magkakapatid. Ang kaniyang ama ay isang personal na tagapondo ng mga Italyanong aristokrasya. Namatay ang kaniyang ate na si Tina sa edad na sampu matapos hindi maayos na nagamot sa impeksiyon sa tetano.[1] Sa kalagitnaan ng dekada 70, sinundan ni Donatella ang kaniyang kuyang si Giovanni ("Gianni"), upang mag-aral ng knitwear design sa Florence, Italya. Binalak sana magtrabaho ni Donatella sa kaniyang kapatid sa ugnayang pampubliko, ngunit higit na mahalaga siya kay Gianni bilang "muse at kritiko," ayon sa isang panayam kay Donatella ng Vogue.[2] Ang kaniyang pagiging malapit sa mga gawain ng kaniyang kapatid ang nagsadlak kay Donatella sa mundo ng moda. Matapos ang isang dekada, noong 1980s inilunsad ni Gianni ang isang pabangong inihandog niya kay Donatella, ang Blonde, at binigyan siya ng sariling niyang tatak ng mga pabango ang Versus, na nanatiling isang tanyag na inner line ng Versace.
Pamilya at tirahan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagkaroon ng dalawang anak si Donatella sa kaniyang dating asawa ang modelong si Paul Beck, sina Allegra (p. 28 Hunyo 1986) at Daniel Versace (p. 1990). Siya rin ang tiyahin ng mga anak ng kaniyang pinakamatandang kuyang si Santo, sina Francesca Versace at Antonio Versace.
Ang yumaong kapatid ni Donatella na si Gianni Versace ay maraming naipundar na bahay sa buong mundo, na naibenta na. Pinakakilala sa mga ito ang bahay sa Manhattan, New York na nagkakahalaga ng higit sa US$21 milyon at ang kaniyang mansiyon sa South Beach na minsa'y tinasahang nagkakahalaga ng $125 milyon.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Collins, Lauren (24 Setyembre 2007). "Mondo Donatella". The New Yorker: 158.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kilcooley-O'Halloran, Scarlett (22 Enero 2013). "Who's Who: Donatella Versace". Vogue. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Hunyo 2011. Nakuha noong 10 Enero 2014.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)