Draco
Draco | |
---|---|
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | |
Kalapian: | |
Hati: | |
Orden: | |
Pamilya: | |
Subpamilya: | |
Sari: | Draco Linnaeus, 1758
|
Ang Draco ay isang sari ng butiking agamid (mga Agamidae) na lumilipad sa pamamagitan ng pagbuka lamang ng pakpak na hindi pumapagaspas o sumasalibay lamang (sumasabay lamang sa daloy ng hangin). Nagmula ang mga ito sa Timog-Silangang Asya. Naibubuka ang mga tadyang at pang-ugnay na membrano upang makalikha ng isang pakpak, ang panlikod na mga paa ay lapad at tila mga pakpak, at nagsisilbing pahalang na pampatatag ang isang maliit na kapangkatan ng mga palapa sa leeg. Kumakain ng mga kulisap ang mga ito. Hinango ni Carolus Linnaeus ang pangalan ng saring ito mula sa salitang Latin para sa mitolohikong mga dragon.
Klasipikasyon ng saring Draco
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Draco affinis
- Draco biaro
- Draco bimaculatus
- Draco blanfordii
- Draco caerulhians
- Draco cornutus
- Draco cristatellus
- Draco cyanopterus
- Draco dussumieri
- Draco fimbriatus
- Draco guentheri
- Draco haematopogon
- Draco indochinensis
- Draco jareckii
- Draco lineatus
- Draco maculatus
- Draco maximus
- Draco melanopogon
- Draco mindanensis
- Draco norvillii
- Draco obscurus
- Draco ornatus
- Draco palawanensis
- Draco quadrasi
- Draco quinquefasciatus
- Draco reticulatus
- Draco spilopterus
- Draco sumatranus
- Draco taeniopterus
- Draco volans
Paglipad
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kilalang-kilala ang mga butiki sa kanilang mga kayariang palamuti at kakayahang lumipad o sumalibay ng malalayong distansiya sa pamamagitan ng kanilang mala-pakpak na mga membranong patagium na sinusuportahan ng isang mahabang torasikong (thoracic) tadyang upang makalikha ng lakas o puwersang pampalutang o pampaangat.[1]
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Talababa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Herre, A.W. 1958. On the Gliding of Flying Lizards, Genus Draco. Copeia, 1958(4), pp. 338-339
Bibliyograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Inger, Robert F. (1983) Morphological and ecological variation in the flying lizards. (Genus Draco). Chicago : Field Museum of Natural History Buong teksto