Durarara!!
Ang artikulong ito ay nangangailangan pa ng mga link sa ibang mga artikulo upang makatulong isama ito sa ensiklopedya. (Hunyo 2017) |
Durarara!! | |
Dyanra | |
---|---|
Nobelang magaan | |
Kuwento | Ryōgo Narita |
Guhit | Suzuhito Yasuda |
Naglathala | ASCII Media Works |
Imprenta | Dengeki Bunko |
Demograpiko | Lalaki |
Takbo | Abril 25, 2004 – Enero 10, 2014 |
Bolyum | 13 + gaiden |
Teleseryeng anime | |
Direktor | Takahiro Omori |
Prodyuser |
|
Iskrip | Noboru Takagi |
Musika | Makoto Yoshimori |
Estudyo | Brain's Base |
Lisensiya | |
Inere sa | JNN (MBS, TBS, CBC) |
Takbo | Enero 8, 2010 – Hunyo 25, 2010 |
Bilang | 24 + 2 OVA |
Manga | |
Durarara!! 3way standoff -alley- | |
Kuwento | Ryohgo Narita |
Guhit | Izuko Fujiya |
Naglathala | ASCII Media Works |
Magasin | Sylph |
Demograpiko | Shōjo |
Takbo | Hulyo 22, 2013 – Agosto 22, 2014 |
Bolyum | 2 |
Manga | |
YZQ ✕ DRRR!! | |
Kuwento | Suzuhito Yasuda |
Naglathala | Kodansha |
Imprenta | Sirius KC |
Demograpiko | Shōnen |
Inilathala noong | Disyembre 18, 2013 |
Nobelang magaan | |
Durarara!! SH | |
Kuwento | Ryohgo Narita |
Guhit | Suzuhito Yasuda |
Naglathala | ASCII Media Works |
Imprenta | Dengeki Bunko |
Demograpiko | Male |
Takbo | Abril 10, 2014 – kasalukuyan |
Bolyum | 4 |
Manga | |
Durarara!! Relay | |
Kuwento | Ryohgo Narita |
Guhit | Izuko Fujiya |
Naglathala | ASCII Media Works |
Magasin | Sylph |
Demograpiko | Shōjo |
Takbo | Oktubre 22, 2014 – Nobyembre 21, 2015 |
Bolyum | 2 |
Teleseryeng anime | |
Durarara!!×2 | |
Direktor | Takahiro Omori |
Iskrip | Noboru Takagi |
Musika | Makoto Yoshimori |
Estudyo | Shuka |
Lisensiya | |
Inere sa | Tokyo MX, GTV, GYT, BS11, MBS, CBC |
Takbo | Enero 10, 2015 – Marso 26, 2016 |
Bilang | 36 + 3 OVA |
Nobelang magaan | |
Orihara Izaya to, Yūyake wo | |
Kuwento | Ryohgo Narita |
Guhit | Suzuhito Yasuda |
Naglathala | ASCII Media Works |
Imprenta | Dengeki Bunko |
Demograpiko | Lalaki |
Takbo | Hulyo 10, 2015 – Oktubre 8, 2016 |
Bolyum | 2 |
Nobelang magaan | |
Durarara!! × Hakata Tonkotsu Ramens | |
Kuwento | Chiaki Kizaki |
Guhit | Hako Ichiiro |
Naglathala | ASCII Media Works |
Imprenta | Dengeki Bunko |
Demograpiko | Lalaki |
Inilathala noong | Oktubre 8, 2016 |
Related | |
* Manga adaptation (2009–present) |
Ang Durarara!!, madalas na tinutukoy bilang DRRR!!, ay isang serye ng nobelang magaan sa bansang Hapon na isinulat ni Ryohgo Narita, at iginuhit ni Suzuhito Yasuda. Ang serye ay tungkol sa isang dullahan na nagtratrabaho bilang isang pahatid kawad sa Ikebukuro, Hapon, isang barkadang binuo at binase sa internet na tinawag na Dollars, at ang gulong mailalatag sa paligid ng mga pinakadelikadong tao sa Ikebukuro. Simula noong Pebrero 2011, ang ASCII Media Works ay nakapaglimbag na ng siyam na tomo sa ilalim ng kanilang imprentang Dengeki Bunko. Isang kasunod na serye na pinamamagatang Durarara!! SH ay ginanap ng dalawang taon pagkatapos ng orihinal na serye noong 2014.
Isang paglapat sa manga ni Akiyo Satorigi ay nagsimula ng seryalisasyon sa magasing shōnen manga na Monthly GFantasy ng Square Enix noong 18 Abril 2009. Isang paglapat sa anime naman ang nagsimulang ipalabas sa Hapon noong Enero 2010. Sinundan ito ng pangalawang season, na pinamamagatang Durarara!!×2 na ipalabas noong Enero 2015 hanggang Marso 2016.
Buod
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Mikado Ryūgamine ay isang binatang gusto nang maranasan ang masigla at kawili-wiling buhay sa malaking siyudad. Mula sa paanyaya ng kanyang kaibigan noong kanyang kabataan na si Kida Masaomi, siya ay lumipat sa isang paaralan sa Ikebukuro, Tokyo.
Binabalaan siya ni Masaomi tungkol sa mga taong hindi niya gugustuhing makasalamuha sa siyudad: isang marahas na lalaking nakasuot ng damit ng isang bartender, isang mangangalakal ng mga kaalaman at balita tungkol sa siyudad, at isang misteryosong gang na tinawag na "Dollars." Hindi lamang ang mga ito ang kailangang pagtuunang iwasan ni Mikado sapagkat kanya pang nasaksihan sa kanyang unang araw sa siyudad ang isang urban legend: ang "Black Rider," isang dullahan na nakasakay sa itim na motorsiklo.
Ang kuwento ay sinusundan lahat ng tauhan nang pantay-pantay, pinapakita kung paano sila magtatagpong lahat, na bumubuo ng isang mas malawak pang pagkakabuod mula sa isang palasak na sakunang alam ng bawat tauhan.
Mga Tauhan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga Pangunahing Tauhan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mikado Ryugamine
Isang lalaking nasa unang taon sa mataas na paaralan ang lumipat sa Ikebukuro mula sa paanyaya ng kanyang matalik na kaibigang si Masaomi Kida. Siya ay lumipat upang maghanap ng mga kakaibang mga tao at pakikipagsapalaran. Ang kanyang pinakakinakatakutan ay ang magkaroon ng isang karaniwang pamumuhay. Hindi man sinuwerte si Mikado sa pilit na pagbago ng kanyang imahe, nadala naman niya ang kanyang sarili kaakibat ang kaunting tapang upang maging isang Kinatawan ng Klase kasama si Anri. May mga oras na kinakausap ni Mikado ang kanyang sarili na nagustuhan naman ni Masaomi. Siya na lamang ang natitirang may-likha ng alimurang Dollars. Siya ay tila may gusto kay Anri Sonohara, ngunit hindi nagkaroon ng pagkakataong sabihin sa babae. Kapag malapit na niyang sabihin ang kanyang tunay na nararamdaman, si Anri ay umaalis. Si Mikado ay madalas na nakakukuha ng payo mula kay Izaya, lalung-lalo na patungkol sa Dollars at sa kanyang pangangailangang makahanap ng pamumuhay na labas sa karaniwan.
Ang kanyang online chat screenname ay "Taro Tanaka".
Celty Sturluson
Ang babaeng bayani ng serye. Kinilala rin bilang "The Black Biker" o "The Headless Rider", siya ay isang Dullahan mula sa Ireland na pumunta sa Hapon upang hanapin ang kanyang ninakaw na ulo. Sa katunayan, ang kanyang motorsiklo ay isang kabayong nakabalatkayo lamang. Siya ay walang puso at nakararamdman sa pamamagitan ng hindi mahanap na mga sensor na hindi matatagpuan sa ulo. Ang kanyang pisikal na kalakasan ay lampas pa sa kakayahan ng isang karaniwang tao, ngunit hindi pa rin lumampas ni umabot sa lakas ni Shizuo Heiwajima. May kakayahan din siyang manipulahin ang isang malaanino ngunit matibay na kalamnan upang bumuo ng mga bagay tulad ng kanyang mga guwantes hanggang sa mga karrong pandigma ayon sa kanyang kalooban o naisin.
Si Celty ay namumuhay kasama si Shinra Kishitani na may gusto sa kanya. Siya ay nagtratrabaho bilang isang pahatid kawad. Siya ay nagsusuot ng panakip sa ulo't mukha o helmet kapag siya ay lumalabas at nakikipag-usap sa pamamagitan ng isang PDA. Siya ay nalilibang sa online chatting, telebisyon at mga DVD. Isa siya sa mga kakaunting nakaaalam na si Anri ang may kontrol ng Saika at kung sino ang pinuno ng Dollars. Sa kalaunan ng salaysay ng serye, ang ugnayan sa pagitan niya at ni Shinra ay tumindi; sinabi niya na rin kay Shinra na mahal na niya siya. Siya ay may gawing suntukin si Shinra sa tiyan kapag nagpapahayag ito ng pagmamahal sa kanya. Siya ay karaniwang nagagalit sa tuwing sinasabi ni Shinra na hindi na niya kailangan ang kanyang nawawalang ulo. Hindi man isang normal na nilalang, siya ay takot sa mga extraterrestrials at nagkaroon ng matinding takot sa mga pulis trapiko. Datapwa't, ang kanyang pinakakinakatakutan ay baka mangyari rin sa kanya ang pagkawasak ng kanyang nawawalang ulo. Siya ay kasapi ng Dollars.
Ang kanyang online chat screenname ay "Setton".
Media
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nobelang Magaan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga nobelang magaan na Durarara!! ay isinulat ni Ryohgo Narita at iginuhit naman ni Suzuhito Yasuda. Ang unang nobela ay inilabas noong Abril 2004 sa ilalim ng ASCII Media Works sa ilalim ng kanilang imprentang Dengeki Bunko, at simula noong 10 Pebrero 2011, siyam na nobela ang inilabas. Isinalin din ito sa wikang Intsik at inilimbag sa Taiwan at Hong Kong ng Kadokawa Media sa ilalim ng imprentang Fantastic Novels. Nilisensiya ng Daewong C.I. ang saling Koreyano ng serye sa South Korea at inilabas ang mga nobela sa ilalim ng kanilang imprentang Newtype Novels.
Isang kasunod na serye na pinamamagatang Durarara!! SH (デュラララ!! SH, Durarara!! SH) ay nagumpisa noong 2014.[3]
Manga
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang saling manga na isinulat ni Narita at iginuhit ni Akiyo Satorigi ay unang lumabas sa isyu para sa buwan ng Mayo ng Monthly GFantasy ng Square Enix noong Abril 2009 at naging pirmihang serye na nagsimula noong Hulyo 2009.[4][5] Apat na tankōbon ang ipinalabas. Sinundan ito ng mga karugtong na serye na inumpisahan ng Durarara!! Saika Arc. May lisensya ang Yen Press sa paglimabag sa Hilagang Amerika, ipinalabas ang unang bolyum noong Enero 2012.[6]
Isang pagsalin sa manga ng larong biyo na Durarara!! 3way standoff -alley- ang ginawan ng serye, simula noong Hulyo 22, 2013 sa Setyembre isyu ng magasing Sylph ng ASCII Media Works hanggang Agosto 22, 2014 sa Oktubre isyu, ikinokilekta ito ng dalawang bolyum.[7] Dalawa pang bolyum na pagsalin ng larong bidyo na Durarara!! Relay ang ginawan ng serye sa parehong magasin mula Oktubre 22, 2014 hanggang Nobyembre 21, 2015.[8]
Isang crossover na manga na kasama ang Yozakura Quartet na pinamamagatang YZQ ✕ DRRR!! ang ipinalbas na may kasamang limitadong edisyon ng Blu-ray ng Yozakura Quartet ~Hana no Uta~.[9]
Anime
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang saling anime ng mga nobela ay inihayag sa ikaanim na tomo ng nobela. [10] Ang anime ay nilikha ng Brain's Base at nagsimulang ipalabas noong 7 Enero 2010 sa MBS, TBS, at CBC. Isa-simulcast ng Crunchyroll ang anime sa 480p at 720p sa loob ng 24 oras na paglabas nito sa Hapon. [11] Ang iba naman ay makapapanood naman ng parehong yugto o episode nang libre pagkatapos ng isang linggo. Ang anime ay umabot sa unang tatlong nobela ng serye. Ang anime ay inilisensiya ng Beez Entertainment para sa paglabas sa Europa.[12] Sa Anime Expo 2010, ang Aniplex of America ay kinumpirmang mayroon silang lisensiya sa Durarara!! at pinaplano na nila ang paglikha ng English dub na inilabas noong Enero 2011.[13] Ang English dub ay nilikha ng Bang Zoom! Entertainment.
Ang Aniplex of America ay naglabas ng tatlong digipak na two-disc sets ng Durarara!!. Ang unang bahagi ay inilabas noong 25 Enero 2011, ang ikalawa noong 29 Marso 2011, at ang ikatlo noong 31 Mayo 2011. Ang mga ito ay maibebenta sa RightStuf.com at The Store ng Bandai Entertainment.[14] Noong 29 Marso 2011 din, ang mga Yugto 1-9 na nai-dub na ay naidagdag na sa U.S. Playstation Network Video Store. At hanggang sa ngayon, hindi pa rin malaman kung lalabas ang serye sa PSN Video Store para sa iba pang mga rehiyon, o para sa iba pang digital download stores (katulad ng iTunes, o Zune/XBL Video Marketplace). Inihayag na ng Aniplex na maipalalabas na ang anime sa U.S. sa bahaging Adult Swim ng Cartoon Network simula 25 Hunyo 2011.
Noong Marso 15, 2014 ay inanunsyo ang bagong anime na serye na Durarara!!×2 (デュラララ!!×2) ng studio Shuka sa halip ng Brain's Base.[15][16]
Radyo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isang palabas sa radyo ang inere noong 26 Pebrero 2010 at ito ay natapos na noong 25 Marso 2011. Ang mga punong abala ay sina Toshiyuki Toyonaga at Kana Hanazawa, ang mga boses nina Ryūgamine Mikado at Sonohara Anri.
Mga Larong Bidyo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Dalawang larong nobelang biswal ang binase sa serye na ipinlabas lang sa bansang Hapon. Ang unang laro na pinamamagatang Durarara!! 3way standoff (デュラララ!! 3way standoff) ay ipinlabas sa PlayStation Portable noong Setyembre 22, 2010.[17] Isang bagong bersyon nito na pinamamagatang Durarara!! 3way standoff -alley- (デュラララ!! 3way standoff -alley-) ay ipinlabas sa parehong console noong Agosto 25, 2011.[18] Ito ay sinalin sa Android sa pangalang Durarara!! 3way standoff "mob" (デュラララ!! 3way standoff "mob") noong Nobyembre 22, 2011. Bilang parte ng Durarara 10th anniversary project, isang pagsasalin na pinamamagatang Durarara!! 3way standoff -alley- V (デュラララ!! 3way standoff -alley- V) ay may kasamang mga bagong minigame ang inanunsyo; ipinalabas ito noong Hunyo 19, 2014 para sa Playstation Vita. [19]
Isang larong bidyo sa Playstation Vita na pinamamagatang Durarara!! Relay ang ipinalabasa noong Enero 2015.[20]
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]1. Durarara!!. Retrieved 18 Hunyo 2011.
- ↑ 1.0 1.1 Loo, Egan (Nobyembre 20, 2009). "Durarara, Fumihiko Sori's To Video Clips Streamed". Anime News Network. Nakuha noong Nobyembre 27, 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Aniplex of America Announces Durarara!! Series Official CD Imports". Aniplex of America via Anime News Network. Oktubre 2, 2017. Nakuha noong Agosto 29, 2018.
A hilariously unusual juvenile urban fantasy from the mighty creative staff behind Baccano! Durarara!! the animated TV series is based on the eponymous hit novel by RYOHGO NARITA,
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Durarara! Novels Change Title With 2-Year Jump in Story". Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-07-08.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ [https://web.archive.org/web/20100112012936/http://www.square-enix.co.jp/magazine/gfantasy/new/2009_05.html ":::: GFantasy Website :::: �ŐV���Љ� -����G�t�@���^�W�[�I�t�B�V�����T�C�g"]. web.archive.org. 2010-01-12. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-01-12. Nakuha noong 2022-07-08.
{{cite web}}
: replacement character in|title=
at position 28 (tulong)CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ [https://web.archive.org/web/20100310110558/http://www.square-enix.co.jp/magazine/gfantasy/new/2009_07.html ":::: GFantasy Website :::: �ŐV���Љ� -����G�t�@���^�W�[�I�t�B�V�����T�C�g"]. web.archive.org. 2010-03-10. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-03-10. Nakuha noong 2022-07-08.
{{cite web}}
: replacement character in|title=
at position 28 (tulong)CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Yen Press Adds Durarara, Kore wa Zombie desu ka, Olimpos". Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-07-08.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Durarara!! 3way standoff -alley- PSP Game Inspires Manga". Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-07-08.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Durarara!! Relay PS Vita Game Inspires Shōjo Manga". Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-07-08.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "夜桜四重奏-ハナノウタ- (1) (初回特典:「夜桜四重奏×デュラララ!!」スペシャルコミック1巻) [Blu-ray]". Amazon.co.jp. 18 Disyembre 2013. Nakuha noong 10 Pebrero 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Durarara!! Light Novels to be Animated (Updated)". Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-07-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Crunchyroll and Aniplex Bring Some Durarara!! Action". Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-07-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Durarara!!, Vampire Knight, Eden of the East, More Licensed in U.K." Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-07-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Aniplex of America Adds Durarara!! Anime with Dub (Update 2)". Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-07-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Aniplex, Bandai and Right Stuf Team Up for Durarara!! DVD Distribution". Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-07-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Durarara Gets New TV Anime Series". Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-07-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "New Durarara! TV Anime's Promo Video, Chocolate Mural Posted". Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-07-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "PS Vita『デュラララ!!』シリーズ公式サイト". PS Vita『デュラララ!!』シリーズ公式サイト. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-01-30. Nakuha noong 2022-07-08.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "PSPソフト『デュラララ!! 3way standoff -alley-』公式サイト". d-game.dengeki.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-02-22. Nakuha noong 2022-07-08.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Durarara!! 3way Standoff: Alley V announced for PS Vita". Gematsu (sa wikang Ingles). 2014-02-07. Nakuha noong 2022-07-08.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Durarara!! Gets New PS Vita Game in 3D in January". Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-07-08.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)