Pumunta sa nilalaman

Dyipni

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Dyip)
Dyipni ng Pilipinas

Ang dyipni o dyip ang pinakakilalang uri ng sasakyan sa Pilipinas. Ang mga ito'y ginawa mula sa mga US Military Jeeps na naiwan mula sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Simula sa unang pagkalikha nito, ang dyipni ay marami ng mga palamuti.

Ang jeepney, na kilala bilang isang jitney o dyip, ay isang makasaysayang sasakyan na mahalaga sa kasaysayan. Ang jeepney, na siyang pinakakaraniwan at orihinal na anyo ng pampublikong transportasyon na ginagamit ng mga Pilipino, ay maaaring isaalang-alang bilang isang tanda ng kalayaan at pagiging Pilipino.

Ang mga unang Pinoy jeepney ay itinayo noong 1945, matapos lamang ang World War II. Ang mga Pilipino ay nag-repurpose ng mga natirang dyip na naihatid sa Pilipinas ng mga puwersang Amerikano upang mapagaan ang krisis sa pampublikong transit ng bansa sa mga oras na iyon. Dinagdagan nila ang kakayahan ng mga dyip sa 10 hanggang 25 na pasahero at nagdagdag ng bukas na bintana sa lahat ng panig pati na rin ang nakapirming bubong upang maprotektahan ang mga pasahero mula sa matinding init ng Pilipinas. Sa gayon ang Pinoy jeepney ay sumasalamin sa talino, husay, at katatagan ng mga Pilipino. [1]

Ang dyipni ang pinakagamit na uri ng sasakyang panlupa sa Pilipinas. Ginagamit ito sa pamamiyahe, kalakalan, at mga pamamalakbay-pamilya. Ang maigsing dyip ay kayang magsakay ng 12-15 katao, samantalang ang mahabang dyipni naman ay kayang magsakay ng 15-20 katao. Kadalasan, ang mga dyipni ay puno ng mga tao, lalo na tuwing oras ng pamamayihe ng maraming tao.

Ang dyipni ay isa sa pinakakilalang di-patakarang sagisag ng Pilipinas.

Isang dyip ng Willys noong 1943, ang pinagbatayan ng disenyo ng mga dyipni

Noong papaalis na ang mga Amerikanong sundalo sa Pilipinas pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, daan-daang mga segundamanong mga jeep ang ipinagbili sa mga Pilipino. Binago ng mga Pilipino ang itsura ng dyip, ginawa nila ito para magkasya ang ilang mga pasahero, may mga metal na bubong para sa lilim, at inayusan ang sasakyan kasama ang mga buhay na mga kulay at mga palamuti sa harapan nito.

Mabilis na lumitaw ang dyipni bilang isang tanyag at malikhaing paraan upang matatag muli ang murang pampublikong transportasyon, na nawala sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa pagkilala ng malawakang gamit ng mga sasakyang ito, nagsimula ang pamahalaan ng Pilipinas na magpataw ng mga limitasyon sa paggamit nito. May mga espesyalisadong mga lisensiya, mga regular na ruta, at nakatakdang pamasahe.

Ang mga karaniwang dyipni ay may mga malalaking bintana sa gilid at walang pintuan sa me bandang likuran. May mga dyipni rin na may aircon, electric fan, binalutang plaka, at malalaking speakers na may malalakas na tugtugin.

Makabagong gamit

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Talaksan:Dyipni sa Masbate 95 Diversion Road.jpg Isang dyipni sa Masbate City. Bagaman ang mga orihinal ng mga dyipni ay mga binagong mga jeep na pang-militar, ginagawa na ngayon ang mga makabagong dyipni ng mga paggawaan sa loob ng Pilipinas. Sa gitnang pulo ng Cebu, ginagawa ang karamihan sa mga jeepney sa paggamit ng panglawang-gamit (second hand) na mga trak sa bansang Hapon, orihinal na binalak upang magdala ng mga kargamento imbis na mga pasahero.

Ang pinakabagong modelo ng mga dyipni ay ginawa ng EcoDyip, Inc. noong 2018 at tinawag na "DyipKo". Ang mga dyipni na ito ay may mga makabagong parte gaya ng air conditioning, CCTV, at bagong sistema ng pagbayad.[2]

Kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Jeepney Tour Adventure In The Philippines
  2. Valdez, Denise A. "Modern Jeepney Firm Gets LTFRB Franchise" (sa Ingles). BusinessWorld. Hinango noong 30 Nobyembre 2018.