EARIST Cavite

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
EARIST Cavite Campus
Dalubhasaang EARIST Cavite
Seal earist cavite.jpg
Sawikain Teamwork and Solidarity
Admin. staff mahigit 50
Mag-aaral mahigit 1500
Lokasyon GMA, Cavite, Pilipinas
Himno Himno ng EARIST
Kulay Maroon at Puti
Nickname ECC

Ang EARIST Cavite ay ang nag-iisang dalubhasaang pampubliko sa bayan ng General Mariano Alvarez, Kabite na sangay ng Suriang Eulogio "Amang" Rodriguez ng Agham at Teknolohiya (EARIST). Katabi nito ang ang Mataas ng Paaralang Teknikal ng General Mariano Alvarez. Ito ay matatagpuan sa Barangay Poblacion 5.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Dating tinatawag na EARIST-GASAT (Gen. Alvarez School of Arts and Trades) ang EARIST Cavite, na isang sangay ng EARIST Maynila, na isa ring pampublikong dalubhasaan. Sa bisa ng Presidential Decree bilang 1524, ito ay itinayo noong Marso 24, 1982, na nagsimulang magbigay ng mga kursong bukasyonal-teknikal, at ito ay pinamunuan ni Dr. Rodrigo P. Hipol. Ginamit nito ang lumang gusali ng NACIDA sa Gen. Mariano Alvarez, ngunit lumipat din makalipas sa kasalukuyang lugar nito.

Sa mga sumunod na taon, ang dalubhasaan ay nagbigay din ng mga programang pang-apat na taon sa Pag-aaral ng Sekondaryang Pangangalakal.

Mga Kursong Inaalok[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Batsilyer ng Agham sa Teknolohiya
  • Batsilyer ng Agham sa Edukasyong Pang-Industriya
  • Batsilyer ng Agham sa Edukasyong Negosyo
  • Batsilyer ng Agham sa Pamumuno ng Opisina
  • Batsilyer ng Agham sa Kompyuter
  • Batsilyer ng Agham sa Pamamahala sa Otel at Restoran
  • Batsilyer ng Agham sa Edukasyon
  • Batsilyer ng Agham sa Pamumuno ng Negosyo
  • Batsilyer ng Agham sa Kriminolohiya
  • Batsilyer ng Agham sa Sikolohiya
  • Batsilyer ng Agham sa Agham sa Kompyuter
  • 2 taon sa Narsing

Kawing na panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]


PilipinasEdukasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.