Pumunta sa nilalaman

Ed Sheeran

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ed Sheeran
Si Sheeran sa kanyang pagtatanghal sa isang pang-umagang palatuntunan sa Sydney, Australya noong Pebrero 2013
Si Sheeran sa kanyang pagtatanghal sa isang pang-umagang palatuntunan sa Sydney, Australya noong Pebrero 2013
Kabatiran
Pangalan noong ipinanganakEdward Christopher Sheeran
Kapanganakan (1991-02-17) 17 Pebrero 1991 (edad 33)
Hebden Bridge, Kanlurang Yorkshire, Inglatera
PinagmulanFramlingham, Suffolk, Inglatera
Genre
Trabaho
  • Mang-aawit at kompositor
  • musikero
InstrumentoLittle Martin LX1E
Taong aktibo2005–kasalukuyan
Label
Websiteedsheeran.com

Si Edward Christopher "Ed" Sheeran (ipinanganak noong 17 Pebrero 1991) ay isang Ingles na mang-aawit at kompositor at musikero. Ipinanganak sa Hebden Bridge, Kanlurang Yorkshire at pinalaki sa Framlingham, Suffolk, lumipat siya sa Londres noong 2008 upang itaguyod ang isang karerang pangmusika. Noong unang bahagi ng 2011, naglabas si Sheeran ng kanyang sariling extended play, ang No. 5 Collaborations Project, na nakakuha ng pansin nina Elton John at Jamie Foxx. Matapos noon ay lumagda siya sa Asylum Records. Ang kanyang lunsarang album, ang +, na naglalaman ng mga isahang awit na "The A Team" at "Lego House", ay pinagtibay bilang limang ulit na platinum sa UK. Noong 2012, nagwagi si Sheeran ng dalawang Gantimpalang Brit para sa pagiging Pinakamahusay na Solong Lalaking Mang-aawit na Ingles (Best British Male Solo Artist) at Bagong Saltáng Mang-aawit na Ingles (British Breakthrough Act). Nagwagi ang "The A Team" ng Ivor Novello Award para sa Pinakamahusay na Awitin sa Temang Pangmusika at Panletra (Best Song Musically and Lyrically). Noong 2014 siya ay nabigyan ng nominasyon para sa Pinakamahusay na Bagong Mang-aawit (Best New Artist) sa Ika-56 na Taunang Parangal Grammy (56th Annual Grammy Awards).[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Grammy Awards 2014: Full Nominations List". Billboard. 6 Disyembre 2013. Nakuha noong 29 Marso 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)