Pumunta sa nilalaman

Lalong mataas na edukasyon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Edukasyong tersiyaryo)

Ang mas mataas na edukasyon, edukasyong pagkatapos ng sekundaryong edukasyon, tersiyaryong edukasyon, o edukasyong pang-ikatlong antas (Ingles: higher, post-secondary, tertiary, o third level education) ay isang baitang ng pagkatuto na nagaganap sa mga pamantasan, mga akademiya, mga dalubhasaan, mga seminaryo, at mga instituto ng teknolohiya. Ang mas mataas na edukasyon ay kinabibilangan din ng ilang mga institusyong nasa antas ng kolehiyo, na katulad ng mga paaralang bukasyunal, mga paaralang pangkalakalan, at mga kolehiyong pangkarera, na nagbibigay ng mga degring pang-akademiya o katibayang pamprupesyon (sertipikasyong prupesyunal).

Ang karapatan na makakuha ng mas mataas na edukasyon ay binabanggit sa ilang mga internasyunal na instrumento ng karapatang pantao. Ang Internasyunal na Tipan hinggil sa mga Karapatang Pang-ekonomiya, Panlipunan at Pangkultura ng Mga Nagkakaisang Bansa ng 1966 ay nagpapahayag sa Arkilo bilang 13 nito na ang mas mataas na edukasyon ay gagawing patas na makukuha ng lahat, ayon sa kakayahan, sa pamamagitan ng naaangkop na mga paraan, at partikular na sa pamamagitan ng pasulong na pagpapakilala ng edukasyong walang bayad. Sa Europa, ang Artikulo bilang 2 ng Unang Protokol sa Kumbensiyong Europeo hinggil sa Karapatang Pantao, na inangkin noong 1950, ay nagpapanagot sa lahat ng mga partidong lumagda na garantiyahan ang karapatan sa edukasyon.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Edukasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.