Pumunta sa nilalaman

Ekinoksiyo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Ekinoks)

Ang ekinoksiyong pang-araw ay isang panahong kung kailan ang Araw ay tumatawid sa ekwador ng Daigdig, ibig sabihin, direktang lumilitaw sa itaas ito ng ekwador, sa halip na hilaga o timog ng ekwador. Sa araw ng ekinoksiyo,[1] lumilitaw ang Araw na sumisikat "tungong silangan" at lumulubog "tungong kanluran". Nangyayari ito ng dalawang beses bawat taon, sa humigit-kumulang Marso 20 at Setyembre 23.[a]

Mas tumpak, tradisyunal na tinutukoy ang isang ekinoksiyo bilang ang oras kung kailan dumadaan ang plano ng ekwador ng Daigdig sa gitnang heometriko ng disko ng Araw.[2][3] Katumbas nito ang sandali kung kailan direktang umiinog ang aksis ng Daigdig ng patayo sa linyang Araw-Daigdig, na hindi tumatagilid patungo o palayo sa Araw. Yayamang nagiging sanhi ang Buwan (at mga planeta sa maliit na saklaw) ng bahagyang pag-iiba ng orbita ng Daigdig mula sa isang perpektong elipse, opisyal na tinukoy ng ekinoksiyo ang mas regular na longhitud na eliptiko ng Araw sa halip na sa pamamagitan ng paglihis nito. Kasalukuyang binibigyang kahulugan ang mga sandali ng ekinoksiyo na kapag ang maliwanag na longhitud na heosentriko ng Araw ay 0° at 180°.[4]

Hinango ang salita mula sa Latin na aequinoctium, (pantay) at nox (gabi). Sa araw ng isang ekinoksiyo, humigit-kumulang pantay na tagal sa buong planeta ang araw at gabi. Hindi eksaktong pantay ang mga ito, gayunpaman, dahil sa laking anggular ng Araw, ang repraksyong atmosperiko, at ang mabilis na pagbabago ng tagal ng haba ng araw na nangyayari sa karamihan ng mga latitud sa paligid ng mga ekinoksiyo. Bago pa naisip ang pagkakapantay-pantay na ito, binanggit ng mga primitibong kulturang nasa ekwador kung kailan sumisikat ang Araw sa silangan at lumulubog sa kanluran, at sa katunayan, nangyayari ito sa araw na pinakamalapit sa tinukoy na kaganapang pang-astronomiya. Bilang resulta, ayon sa wastong pagkakagawa at nakahanay na sundial o orasang pang-araw, 12 oras ang tagal ng araw..

Sa Hilagang Emisperyo, tinatawag ang ekinoksiyo sa Marso na ekinoksiyong bernal o tagsibol habang ang tinatawag ang ekinoksiyo sa Setyembre na ekinoksiyong otonal o taglagas. Sa Timog Emisperyo, kabaligtaran ang totoo. Sa loob ng taon, kahalili ng mga ekinoksiyo ang mga solstisyo. Ang mga taong bisyesto at iba pang mga kadahilanan ay ang nagiging sanhi para ang mga petsa ng parehong mga kaganapan na bahagyang mag-iba.[5]

  1. Sinusunod ng artikulong ito ang kustomaryong istilong Wikipedia na nakadetalye sa en:Manual of Style/Dates and numbers#Julian and Gregorian calendars; binibigay ang mga petsang bago ang Oktubre 15, 1582 sa kalendaryong Huliyano habang binibigay sa kalendaryong Gregoryano ang mas kamakailang petsa. Binibigay ang mga petsa bago ang Marso 1, 8 AD sa kalendaryong Huliyano na sinusunod sa Roma; may hindi tiyak na ilang araw kapag pinapalitan ang mga naunang petsa na ito sa proleptikong kalendaryong Huliyano.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. TagalogLang (2021-12-29). "EQUINOX: Tagalog-English Dictionary Online". TAGALOG LANG (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-04-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Equinoxes". Astronomical Information Center (sa wikang Ingles). United States Naval Observatory. 14 Hunyo 2019. Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Agosto 2019. Nakuha noong 9 Hulyo 2019. On the day of an equinox, the geometric center of the Sun's disk crosses the equator, and this point is above the horizon for 12 hours everywhere on the Earth. However, the Sun is not simply a geometric point. Sunrise is defined as the instant when the leading edge of the Sun's disk becomes visible on the horizon, whereas sunset is the instant when the trailing edge of the disk disappears below the horizon. These are the moments of first and last direct sunlight. At these times the center of the disk is below the horizon. Furthermore, atmospheric refraction causes the Sun's disk to appear higher in the sky than it would if the Earth had no atmosphere. Thus, in the morning the upper edge of the disk is visible for several minutes before the geometric edge of the disk reaches the horizon. Similarly, in the evening the upper edge of the disk disappears several minutes after the geometric disk has passed below the horizon. The times of sunrise and sunset in almanacs are calculated for the normal atmospheric refraction of 34 minutes of arc and a semidiameter of 16 minutes of arc for the disk. Therefore, at the tabulated time the geometric center of the Sun is actually 50 minutes of arc below a regular and unobstructed horizon for an observer on the surface of the Earth in a level region{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "ESRL Global Monitoring Division - Global Radiation Group". www.esrl.noaa.gov (sa wikang Ingles). U.S. Department of Commerce. Nakuha noong 9 Hulyo 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Astronomical Almanac (sa wikang Ingles). United States Naval Observatory. 2008. Glossary.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Yallop, B.D.; Hohenkerk, C.Y.; Bell, S.A. (2013). "Astronomical Phenomena". Sa Urban, S.E.; Seidelmann, P. K. (mga pat.). Explanatory supplement to the astronomical almanac (sa wikang Ingles) (ika-iika-3 (na) edisyon). Mill Valley, CA: University Science Books. pp. 506–507. ISBN 978-1-891389-85-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)