Eklipse ng buwan
Ang eklipse ng buwan ay nagaganap tuwing ang Buwan ay direktang dumadaan sa likod ng Mundo sa anino ng umbra nito. Ito ay nagaganap lamang kung ang Araw, Mundo at Buwan ay eksaktong nag hahanay-hanay, o kaya kung sobrang lapit nito, kung saan ang Mundo ay napapagitnaan. Ang eklipse ng buwan ay maari lamang maganap tuwing gabi at sa kabilugan ng buwan. Ang uri at tagalba ng eklipse ay depende sa lokasyon ng buwan na may kaugnayan sa ligiran nito.
Taliwas sa eklipse ng araw, kung saan nakikita lamang ito sa ilang maliliit na bahagi ng mundo, ang eklipse ng buwan ay maaring matunghayan kahit saan kung saan ang bahagi ng Mundo ay gabi. Ang eklipse ng buwan ay nagtatagal ng ilang oras, samantala ang ganap na eklipse ng araw ay tumatagal lamang ng ilang minuto sa ilang piling lugar, ito ay dahil sa maliit na sukat ng anino ng buwan. Ang isa pang pinagkaiba ng eklipse ng araw sa eklipse ng buwan ay ligtas sa ito mga tumitigin at hindi kinakailangan ng protekta sa mata o anu mang espesyal na pag-iingat, ito ay dahil mas madilim ito ng kaunti sa kabilugan ng buwan.