Pumunta sa nilalaman

Ekwasyong Drake

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Dr. Frank Drake

Ang ekwasyong Drake ay isang probabilistic argument na ginagamit para malaman ang estima ng numero ng aktibong, communicative na mga extraterrestrial na sibilisasyon sa Ariwanas.

Ang bilang ng mga nasabing sibilisasyon, , ay ipinapalagay na katumba ng matematikong produkto ng:

  • average na rate ng star formation, , sa Ariwanas,
  • ang fraction ng mga nabuong bituin, , na may mga planeta,
  • para sa mga bituin na may mga planeta, ang average na bilang ng mga planetang maaaring sumuporta ng buhay, ,
  • ang fraction ng mga planetang iyon, , na aktuwal na bumubuo ng buhay
  • ang fraction ng mga planetang may lamang buhay kung saan ang intelehenteng, sibilisadong buhay, , ay nabuo,
  • ang fraction ng mga sibilisasyong ito na nakabuo ng mga komunikasyon, , iyon ay, mga teknolohiya na nagpapalabas ng natutukoy na senyales sa kalawakan, at
  • ang tagal ng oras, , kung saan ang mga nasabing sibilisasyon ay nagpapalabas ng mga natutukoy na senyales,

para sa pinagsamang expression na:

Ang ekwasyon ay isinulat noong 1961 ni Frank Drake, hindi para sa layunin ng pagbilang sa dami ng mga sibilisasyon, ngunit bilang paraan para ma-istimula ang siyentipikong diyalogo sa unang siyentipiong pulong sa paghahanap para sa extraterrestrial na intelligence (SETI). Binubuod ng ekwasyon ang mga pangunahing konsepto na dapat pag-isipan ng mga siyentipiko kapag isinasaalang-alang ang tanong mga mga ibang radio-communicative na buhay.

Ang kritisismong kaugnay ng ekwasyong Drake ay di nakatuon sa ekwasyon mismo, pero sa katotohanan na ang mga inestimang halaga para sa ilang salik nito ay masyadong conjectural, ang pinagsamang epekto ay ang kawalan ng kasiguruhang kaugnay ng anumang nakuhang halaga ay napakalaki na ang equation ay hindi magagamit para pagkuhanan ng mga pirming konklusyon.