Pumunta sa nilalaman

El Niño

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa El Niño-Southern Oscillation)
Isang kuhang larawan ng El Niño magmula sa kalawakan.

Ang Oskilasyong Pantimog ng El Niño/La Niña (Ingles: El Niño/La Niña-Southern Oscillation o ENSO kapag pinaiksi) ay isang katawagang naglalarawan sa isang likas na kaganapang nangyayari sa Karagatang Pasipiko. Tinatawag din itong El Niño at La Niña. Ang El Nino at La Nina ang mga salitang minsang matatagpuan kapag binaybay sa wikang Ingles para sa mga pangwikang Kastilang El Niño and La Niña. Sa Kastila, nangangahulugan ang El Niño na "batang lalaking maliit" at ang El Niña ay "batang babaeng maliit". Ginagamit ang El Niño sa Kastila para ilarawan ang sanggol na Hesukristo (katulad ng Santo Niño).

Ang El Niño na pinagmasdan noong 1997 ng TOPEX/Poseidon. Ang mga puting lugar sa mga tropikal na dalampasigan ng Timog at hilagang Amerika ay nagpapakita ng mga lugar kung saan mainit ang tubig.[1]

Ang El Niño (literal na "ang batang lalaki") ay isang gawi ng klima na nangyayari sa kahabaan ng tropikal na Karagatang Pasipiko na karaniwang nangyayari sa pagitan ng limang taon ngunit minsan ay nangyayari sa pagitan ng tatlo o hanggang pitong taon at samakatuwid, malawak at makabuluhan, kilala bilang kuwasi peryodiko. Ang El Niño ay pinakakilala sa pagsasama nito ng mga baha, tagtuyot at ibang pag-iiba ng kalagayan ng kalangitan sa maraming mga rehiyon ng mundo na nag-iiba-iba ang bawat pangyayari. Ang mga hindi pa mauunlad na bansa na nakasalalay sa agrikultura o pagtatanim at pangingisda. Ang mga malapit sa Karagatang Pasipiko ay ang mga pinaka-apektado.

Ang El Niño ay ang katayuang nagaganap kapag ang temperatura ng tubig sa dagat ay tumataas sa mga kalatagan ng mga tubig ng tropikal na Karagatang Pasipiko. Bawat dalawa hanggang limang mga tao, ang Karagatang Pasipiko ay may kaganapang tinatawag na Oskilasyong Pantimog ng El Niño. Isa itong mahina at mainit-init na daloy na nagsisimula bawat taon sa bandang panahon ng Pasko sa kahabaan ng dalampasigan ng Ekuwador at ng Peru. Nagtatagal ito ng ilang mga linggo lamang hanggang sa isang buwan o mahigit pa. Bawat tatlo hanggang pitong mga tao, ang pangyayaring El Niño ay maaaring tumagal nang maraming mga buwan. Maaari nitong baguhin ang timpla ng panahon at magkaroon ng mahahalagang mga epekto sa mga ekonomiya o kabuhayan sa buong mundo. Ang Australya at Timog-Silangang Asya ay maaaring magkaroon ng tagtuyot subalit ang mga disyerto ng Peru ay magkakaroon ng napakalakas na pag-ulan. Sa Silangang Aprika, maaaring kapwa mayroon ng mga ito. Sa kaganapang La Niña, ang mga timpla ng panahon ay bumabaligtad.

Ang Pangkatimugan Oskilasyon ay natuklasan ni Sir Gilbert Walker noong 1923.[2] Isa itong "seesaw" (larong lawin-lawinan) ng presyong atmosperiko sa pagitan ng mga Karagatang Pasipiko at Karagatang Indiyano. Mayroong ugnayang inberso (taliwasan o baligtaran) sa pagitan ng presyon ng hanging sinusukat sa dalawang mga lugar: sa Darwin, Australia, sa Karagatang Indiyano at sa pulo ng Tahiti sa Timog Pasipiko. Ang Talatuntunan ng Oskilasyong Pantimog o Southern Oscillation Index (SOI) ay ang diperensiya o kaiban sa presyon na nasa antas ng dagat doon sa Darwin at Tahiti. Ang Talatuntunan ng Malamig na Dila o Cold Tongue Index (CT) ang sumusukat kung gaano karami ang pangkaraniwang temperatura ng ibabaw ng dagat sa panggitna at pansilangang Pasipiko na malapit sa ekwador (equator, hindi ang bansang Ekuwador) na nagpapabagu-bago mula sa mga paikot na panahunan taun-taon. Ang dalawang mga sukat ay may antikorelasyon o nagtataliwasan ang pagiging magkaugnay, kaya't ang negatibo SOI ay pangkaraniwang may kasamang mainit-init na hanging pangdagat na kilala bilang El Niño.

Sa pagsapit ng kaagahan ng dekada 1980, malinaw na ang El Niño at ang Oskilasyong Pangtimog ay magkaugnay, at ang akronimang ENSO ay ginamit upang ilarawan ang malakihang kaganapang ito.

Ang mga Pagbaha sa Queensland noon 2010-2011 ay sanhi ng kaganapang La Niña na nagdala ng napakabigat na pag-ulan sa silangang dalampasigan ng Australya. Nangyari rin ang iba pang malalaking mga pagbaha sa Australya noong La Niña ng 1916, 1917, 1950, 1954-1956, at 1973-1975.[3] Ang halaga ng mga pagbaha sa Queensland noong 2010-2011 ay tinatayang nasa A$30 bilyon.[4]

El Niño sa Gitnang Pasipiko

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Hindi lahat ng mga budoy ay nagaganap sa Silangang Pasipiko. Sa loob ng kamakailang mga dekada, natuklasan ang mga Panggitnang Pasipikong mga El Niño. Kapag nagaganap ito, ang mga epekto mula sa El Niño ng Gitnang Pasipiko ay napaka kaiba mula sa tradisyunal na mga El Niño. Nangyari ang mga Panggitnang Pasipikong El Niño noong 1986-1988, 1991-1992, 1994-1995, 2002-2003, 2004-2005, 2006-2007 at 2009-2010.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Independent NASA Satellite Measurements Confirm El Niño is Back and Strong". NASA/JPL.
  2. "About Sir Gilbert Walker". walker-institute.ac.uk. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-07-12. Nakuha noong 21 Enero 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "BOM - Australian Climate Extremes-Flood". bom.gov.au. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Marso 2009. Nakuha noong 21 Enero 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Counting cost of Queensland floods". news.com.au. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Enero 2011. Nakuha noong 21 Enero 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)