Eldee Films
Iminungkahing pag-isahin ang artikulo o bahaging ito sa Mga samahang pampelikula ng Pilipinas. (Pag-usapan) |
Ang Eldee Films ay isang produksiyon ng pelikula na itinatag noong huling dekada 70s at namayagpag ito hanggang sa dekada 80s.
Ang naturang kompanya ng pelikula ay pagmamay-ari ng bituing si Laila Dee at karamihan ng mga ginagawang pelikula nito ay ang kanyang anak na si Roy Rustan ang bida.
Noong huling dekada 70s, ginawa nila ang isang pelikulang aksiyon na hinaluan ng mga Martial Arts, at bahagyang nakahahalintulad ito sa pelikulang banyaga ni Jacky Chan ang Snake in the Eagle Shadow, at ang Pinoy bersyon nito ay ang Ahas sa Pugad ng Agila kung saan kabituin ni Roy si Ramon Zamora.
Noong unang dekada 80s ay itinambal naman si Roy kay Bembol Roco para sa pelikulang Limbas at Labuyo na isa ring aksiyon.
Hindi lamang pang-aksiyon ang tipo ng pelikulang ginagawa nila, sila ay may ginawa ring isang Komedya na may pagka-seksi ang dating, at ito ay ang Ano ang Ginagawa ng Ibon sa Pugad? kung saan ipinareha ang batang si Roy sa mga seksing artistang sina Alma Moreno, Pia Moran at Beth Bautista.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pelikula ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.