Gitarang de-kuryente
Itsura
(Idinirekta mula sa Electric guitar)
Ang gitarang de-kuryente (electric guitar sa Ingles) ay isang uri ng gitara na gumagamit ng isa o higit pa na mga pang-pickup para palitan ang pagyanig ng mga kuwerdas nito sa elektrikong signal. Nangyayari ang pagyanig kapag ang isang gitarista ay kinalabit, hinila, piniko o tinapik ang mga kuwerdas. Sa pangkalahatan, ang pickup na ginagamit upang malaman ang pagyanig ay ang induksyong elektromagnetiko, bagaman, may ibang teknolohiya ang ginagamit. Sa anumang pangyayari, ang signal na nabubuo ng isang gitarang de-kuryente ay mahina para mapuwersa ang isang loudspeaker, kaya pinapadala muna ito sa isang amplifier na pang-gitara bago ipadala sa mga ispiker, na pinapalitan ang signal sa naririnig na tunog.