Network na elektrikal
Ang isang electrical network ay ang interkoneksiyon ng mga elementong elektrikal (hal. resistor, inductor, capacitor, voltage source, current source, switch). Ang isang sirkitong elektrikal ay isang network na binubuo ng isang saradong "loop" na nagbibigay ng isang landas na pagbabalik para sa kuryente. Ang mga linyar na elektrikal na network, na isang espesyal na uri, ay binubuo lamang ng mga pinagkukunan o source (voltahe o kuryente), mga "linear lumped element" (resistor, capacitor, inductor), at mga elementong ipinamamahaging linya (mga linya ng transmisyon) ay may katangian na ang mga signal ay superimposableng linyar. Kaya ito ay mas madaling masisiyasat gamit ang mga makapangyarihang mga pamamaraang frequency domain gaya ng mga Laplace transform, upang matukoy ang tugong DC, tugong AC at tugong lumilipas.
Ang isang resistive circuit ay isang uri ng sirkito na naglalaman lamang ng mga resistor at ideyal na pinagkukunan ng kuryente o pinagkukunan ng voltahe. Ang pagsuri sa "resistive circuits" ay mas madali kaysa sa pagsuri ng mga sirkitong naglalaman ng mga capacitor at mga inductor. Kung ang pinagkukunan ay hindi nagbabago (DC), ang resulta ay isang sirkitong DC.
Mga batas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga batas na elektrikal na lumalapat sa lahat ng mga network na elektrikal ay kinabibilangan ng:
- Batas ng kuryente ni Kirchhoff: Ang suma ng lahat ng mga kuryente na pumapasok sa isang nodo ay katumbas ng lahat ng mga kuryenteng lumalabas sa nodo. .
- Batas ng boltahe ni Kirchhoff: Ang directed sum ng mga diperensiyang elektrikong potensiyal sa palibot ng isang loop ay dapat sero.
- Batas ni Ohm: Ang boltahe sa ibayo ng isang resistor ay katumbas ng produkto ng resistansiya at kuryenteng dumadaloy dito.
- Teorema ni Norton: Ang anumang network ng boltahe o mga pinagmumulan ng kuryente at mga resistor ay katumbas na elektrikal sa isang kanais nais na pinagmumulang kuryente na parallel sa isang resistor.
- Teorema ni Thévenin: Ang anumang network ng boltage o mga pinagmulan ng kuryente at mga resistor ay katumbas na elektrikal sa isang pinagmulan ng boltahe na nakaserye sa isang resistor.