Pumunta sa nilalaman

Radyasyong elektromagnetiko

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Elektromagnetikong radyasyon)

Ang radyasyong elektromagnetiko, kilala rin bilang pinaiksing radyasyong E-M o radyasyong EM, ay isang kababalaghang naghuhubog ng mga along nagpaparami sa pamamagitan ng sarili, na nasa loob ng isang bakyum o sa loob ng materya. Mayroon itong puwang na may mga komponenteng may kuryente (elektriko) at mabalani (magnetiko) na nagpapaurong-sulong (oskilasyon) na nasa yugtong perpendikular sa isa't isa at perpendikular din sa direksiyon ng propagasyon o pagpaparami ng enerhiya.

Inuuri ang radyasyong elektromagnetiko ayon sa kadalasan ng alon nito. Ayon sa pagtaas ng kadalasan at ng pagbaba ng liboy-haba (haba ng alon), ito ay ang along radyo, mikro-alon, radyasyong inprared, nakikitang ispektrum (nakikitang liwanag), radyasyong ultra-lila, sinag-X, at mga sinag-gamma. Ang mga mata ng sari-saring mga organismo ay nakakapuna o nakakadama ng maliit at parang magkakaibang mga bintana ng mga kadalasang tinatawag na nakikitang ispektrum. Ang poton ay ang kuwantum ng interaksiyong elektromagnetiko at ng payak na "yunit" ng liwanag at ng lahat ng ibang mga anyo ng radyasyong elektromagnetiko, at siya ring tagapagdala ng puwersa para sa lakas na elektromagnetiko.

Nagdadala ang radyasyong elektromagnetiko ng enerhiya at momentum na maaaring maibahagi sa materyang nakakahalubilo nito.


Pisika Ang lathalaing ito na tungkol sa Pisika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.