Elena M. Patron
Ang artikulong ito ay nangangailangan ng mas marami pang mga kawing sa iba pang mga lathalain upang matugunan ang mga pamantayan pangkalidad ng Wikipedia. (Agosto 2011) |
Elena M. Patron | |
---|---|
Kapanganakan | 1933
|
Kamatayan | 2021
|
Mamamayan | Pilipinas |
Trabaho | makatà, manunulat |
Si Elena Patron ay ipinanganak noong 18 Agosto 1938 sa Ermita. Isa siyang produkto ng paaralang publiko, nag-aral siya sa Washington Elementary School at sa Arellano High School. Nagtapos siya ng komersiyo sa Philippine School of Commerce noong 1955. Mas una siyang nahilig sa pagsusulat ng mga tula, dula, at sanaysay. Noong nagsimula siyang sumulat para saLiwayway, napasabak siya sa pagsusulat ng maiikling kuwento. Siya nama’y nakitaan ng potensiyal bilang isang magaling na manunulat ng mga patnugot ng magasin. Hindi nagtagal ay nakasama niya si Rosario Jose-Fabian sa isang popular na kolum ng huli na “Tahanan at Sining”; maskilala si Elana bilang Mareng Lena. Nang magsara ang Liwayway, napilitang pasukin ni Elena ang mundo ng komiks. Dito, naging gabay niya si Ramon Marcelino, isang batikang manunulat ng komiks. Isa si Elena sa nagbukas ng pinto para sa mga babaeng may talent at hilig gumawa ng komiks. Ang unang nobela na isinulat ni Elena ay ang “Kapatid Ko Ang Aking Ina” na umani ng malaking tagumpay. Noong 1969, isinapelikula ang nobelang ito ni Elena at nanalo sa Famas bilang pinakamahusay na kuwento. Ilan sa mga sikat niyang nobelang pangkomiks ay ang ”Lord, Give Me a Lover”, “Blusang Itim”, “Kislap sa Dilim”, at “Adult Kid” na di nagtagal ay ginawan din ng pelikula.