Pumunta sa nilalaman

Elle MacPherson

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Elle Macpherson
Si Elle Macpherson noong 2009.
KapanganakanEleanor Nancy Gow
(1964-03-29) 29 Marso 1964 (edad 60)
Killara, Sydney, Australia
Taas6 tal 0 pul (1.83 m)[1]
Kulay ng buhokLight brown[1]
Kulay ng mataBrown[1]
Mga sukat36C-25-35[1]
Sukat ng damit40 (Europa)[1]
AsawaGilles Bensimon (1986–1989)
Arpad Busson (1995–2005)
Websayt
ellemacpherson.com

Si Elle Macpherson (ipinanganak noong 29 Marso 1964) ay isang Australyanang modelo, aktres, at negosyante. Kilalang-kilala siya dahil sa kanyang pagkakaroon ng rekord sa paglitaw bilang pangharap na pabalat o cover para sa labas na damit na pampaligo ng magasing Sports Illustrated na nagsimula noong dekada ng 1980 na humantong sa pagbansag sa kanyang bilang "the body" o "ang katawan". Nakikilala rin siya bilang ang tagapagtatag at pangunahing modelo para sa isang serye ng mga pakikipagsapalarang pangnegosyong kinabibilangan ng Elle Macpherson Intimates, isang linya ng mga lingerie o mga damit-panloob ng mga babae, at ang "The Body," isang hanay ng mga produktong pambalat. Ayon sa Forbes, may angkin mga ari-arian si Macpherson na nasa bandang $60 milyon. Noong 2010, siya ay naging tagapagpasinaya at nangangasiwang produser o tagalikha ng Britain and Ireland's Next Top Model ("[Ang] Susunod na Pangunahing Modelo ng Britanya at ng Irlanda") at siyang nangangasiwang produser at tagapagpasinaya ng darating na palabas na Fashion Star ("Bituin ng Moda") ng NBC. Noong 2011, napangalanan siya bilang isa sa "100 Hottest Women of All-Time" (100 Pinaka Maiinit na mga Babae sa Lahat ng Panahon) ng Men's Health.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 Elle MacPherson Profile. Nakuha noong 8 Agosto 2008.
  2. "The 100 Hottest Women of All-Time". Men's Health. 2011. Nakuha noong Marso 31, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


ArtistaAustraliaModa Ang lathalaing ito na tungkol sa Artista, Australya at Moda ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.