Pumunta sa nilalaman

Emperador

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Augusto, ang unang emperador ng Imperyong Romano.

Ang emperador (mula sa Espanyol, na mula naman sa Latin: imperator)[1] ay isang monarko, at kadalasang ang punong soberanya ng isang imperyo o iba pang uri ng imperyong kaharian. Maaring ipahiwatig ng emperatris, ang babeng katumbas, bilang asawa ng emperador (konsorteng emperatris), ina (biyudang emperatris), o isang babae na namumuno mismo (reynanteng emperatris). Pangkalahatang tinuturing ang mga emperador bilang ang pinakamataas na monarkikong karangalan at ranggo, na nilalagpasan ang mga hari. Sa Europa, ginamit ang titulong Emperador simula pa noong Gitnang Panahon, na tinuturing na kapantay sa dignidad sa Papa dahili sa posisyon ng huling nabanggit bilang isang nakikitang pinuno ng Simbahan at pinunong espirituwal ng Katolikong bahagi ng Kanluraning Europa. Ang Emperador ng Hapon ang tanging kasalukuyang namamayaning monarko na may titulong naisasalin sa Ingles bilang "Emperor",[2] habang hindi humahawak ng aktuwal na kapangyarihang pampolitika.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Harper, Douglas. "emperor". Online Etymology Dictionary.
  2. Uyama, Takuei (23 Oktubre 2019). "天皇はなぜ「王(キング)」ではなく「皇帝(エンペラー)」なのか" [The Title of the Monarch of Japan: not the "King" but the "Emperor"] (sa wikang Hapones). Nakuha noong 23 Oktubre 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Chadani, Seiichi (2012). "A Review on Studies of the Symbolized Emperor System and Monarchical Form (象徴天皇制の君主制形態をめぐる研究整理と一考察)" (PDF). Bulletin of the Faculty of Humanities; Seikei University (sa wikang Hapones). 47: 40. ISSN 0586-7797.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)