Pumunta sa nilalaman

Emperador Momozono

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Emperor Momozono
桃園天皇
Paghahari1747–1762
Pangalan sa kapanganakanTōhito (遐仁)
Kapanganakan14 Abril 1741(1741-04-14)
Lugar ng kapanganakanKyoto, Prepektura ng Kyoto, Tokugawa shogunate
Kamatayan31 Agosto 1762(1762-08-31) (edad 20)
Lugar ng kamatayanKyoto, Kyoto Prefecture, Tokugawa shogunate
PinaglibinganTsuki no wa no misasagi, Kyoto
SinundanSakuramachi
KahaliliGo-Sakuramachi
Konsorte kayIchijō Tomiko
SuplingEmperor Go-Momozono
Prince Sadamochi
Bahay MaharlikaYamato
AmaEmperor Sakuramachi
InaAnegakōji Sadako
Lagda

Si Toohito ang ika-116 na Emperador ng Hapon na umupo sa Trono ng Krisantemo. Umupo siya bilang Emperador noong 9 Hunyo 1747 hanggang sa kanyang kamatayan noong 1762.

Ang kanyang titulo bago siya maluklok bilang Emperador ay Prinsipe Yaho (Yaho-no-moya) pero naglaon ay pinalitan niya ito ng Prinsipe Sachi (Sachi-no-miya). Nung siya ay pumanaw kilala ang kanyang nengo o panahon sa Trono ng Krisantemo bilang Momozono. Kaya mas kilala si Toohito bilang Emperador Momozono sa Kasaysayan ng Hapon.

Ipinanganak siya noong 14 Abril 1741. Siya ang panganay na anak ni Teruhito o mas kilala bilang Emperador Sakuramachi. Ang kanyang ina ay si Sadako na isang Lakambining Nag-aantay (Lady-in-Waiting) pero naging si Balong Emperatris Kaimei.

Si Tomiko Ichijou, isang Lakambini ng Korte ng Imperyo ang napangasawa ni Toohito. At mula sa pag-iisang dibdib na ito ay nabuhay sina Prinsipe Hidehito na naging si Emperador Go-Momozono; at ang kanyang kapatid ay si Sadamochi o mas kilala bilang Prinsipe Fushimi (Fushimi-no-miya).

Noong taong 1747, iniluklok siya bilang Prinsipeng Tagapagmana ng Imperyo. Anim na taong gulang pa lamang siya noon. Pero ng taon ding iyon, ipinaubaya ng kanyang amang si Emperador Sakuramachi ang Trono ng Krisantemo.

Noong taong 1758, nagkaroon ng Iskandalo sa Panahon ng Horeki nang ilang mga batang maharlika ang pinarusahan ng Bakufu o iyong gubyerno na pinamumunuan ng Sugun (Shogun) na siyang tunay na nagpapatakbo sa Japan, sa kadahilanang gusto ng mga bagitong maharlika na ibalik ang kapangyarihang pampolitika sa Korte ng Imperyo.

Namatay si Toohito noong 31 Agosto 1762. Napaaga niyang namatay dahil ang edad lamang niya ng siya’y pumanaw ay 21 taong gulang lang.

Ang mga nengo sa panahon ni Toohito o Emperador Momozono ay