Pumunta sa nilalaman

Emperatris Shōshi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Emperatris Shōshi at ang kaniyang anak na lalaki na magiging emperador ng Hapon sa hinaharap. Akdang ipininta noong ika-13 daantaon.

Si Fujiwara no Shōshi (藤原彰子) o Emperatris Shōshi (988–1074), (Akiko), na nakikilala rin bilang Jōtōmon-in (上東門院), ang pinakamatandang anak na babae ni Fujiwara no Michinaga, ay isang Emperatris ng Hapon mula c. 1000 hanggang c. 1011. Ipinadala siya ng kaniyang ama upang manirahan sa loob ng harem ni Emperador Ichijo noong nasa edad na 12. Dahil sa kaniyang kapangyarihan, impluwensiya, at pakikipagsapakatang pampolitika, mabilis niyang nakamit ang katayuan bilang pangalawang emperatris. Bilang emperatris, nagawa niyang mapalibutan ang kaniyang sarili ng isang korte ng matatalino at edukadong mga babaeng utusan (mga ladies-in-waiting) na katulad nina Murasaki Shikibu, may-akda ng Ang Kuwento ni Genji.

Sa pagsapit ng edad na 20, nagkaroon siya ng dalawang anak na lalaki mula kay Ichijō, na kapwa naging mga emperador at naseguro ang katayuan ng lahi ng angkan ng Fujiwara. Sa hulihan ng pagka-30 gulang niya, siya ay naging isang madreng Budista, na tinatalikuran ang ibang mga tungkulin at mga titulong pang-imperyo, subalit umako ng pamagat bilang Imperial Lady (Ginang ng Imperyo). Nagpatuloy siya sa pagiging isang maimpluwensiyang miyembro ng mag-anak ng imperyo hanggang sa kaniyang kamatayan sa edad na 86.


HaponKasaysayan Ang lathalaing ito na tungkol sa Hapon at Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.