Eskalang pentatoniko

Ang eskalang pentatoniko ay isang eskalang pangmusika na may limang nota sa bawat oktaba, kabaligtaran ng eskalang heptatoniko na may pitong nota kada oktaba (tulad ng eskalang mayor at eskalang menor).
Ang mga eskalang pentatoniko ay umusbong nang magkakahiwalay sa maraming sinaunang kabihasnan[2] at ginagamit pa rin sa iba’t ibang estilo ng musika hanggang sa kasalukuyan. Ayon kay Leonard Bernstein:[3]
Ang pagiging unibersal ng eskalang ito ay kilalang-kilala na, at tiyak na makapagbibigay kayo ng mga halimbawa nito mula sa iba’t ibang sulok ng daigdig—mula sa Eskosya, Tsina, Aprika, at sa mga kulturang Katutubong Amerikano, mula sa mga kulturang Silanganin ng Indya, mula Gitna at Timog Amerika, Australya, Pinlandya... iyon ang tunay na halimbawa ng isang unibersal na musiko-lingguwistiko.
May dalawang uri ng eskalang pentatoniko: yaong may mga semikuwarto-tono (hemitoniko) at yaong walang semikuwarto-tono (anhemitoniko).
Mga uri
[baguhin | baguhin ang wikitext]Hemitoniko at anhemitoniko
[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa musikolohiya, karaniwang inuuri ang mga eskalang pentatoniko bilang hemitoniko o anhemitoniko. Ang hemitonikong eskala ay naglalaman ng isa o higit pang semikuwarto-tono haban ang anhemitonikong eskala naman ay walang semikuwarto-tono. (Halimbawa, sa musikang Hapones, ang eskalang yo [anhemitoniko] ay kabaligtaran ng nasa eskala [hemitoniko]). Ang mga hemitonikong eskalang pentatoniko ay tinatawag ding eskalang ditoniko, sapagkat ang pinakamalaking pagitan sa mga ito ay ditono (halimbawa, sa eskalang C–E–F–G–B–C, ang pagitan sa C–E at G–B ay isang ditono).[7]
(Hindi dapat ipagkamali sa kaparehong terminong ginagamit din ng mga musikologo para sa eskalang may dalawang nota lamang.)
Eskalang pentatonikong mayor
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang anhemitonikong eskalang pentatoniko ay maaaring buuin sa iba’t ibang paraan. Ang eskalang pentatonikong mayor ay maituturing na di-kompletong bersiyon ng eskalang mayor, na gumagamit ng mga tono 1, 2, 3, 5, at 6 ng eskalang mayor.[2] Isang paraan ng pagbuo nito ay sa pamamagitan ng limang magkasunod na tono mula sa bilog ng mga ikalima (circle of fifths);[8] kung magsisimula sa C, ito ay: C, G, D, A, at E. Kapag inayos upang magkasya sa isang oktaba, mabubuo ang eskalang pentatonikong mayor: C, D, E, G, A.
Isa pang paraan ay alisin ang dalawang tono mula sa isang diatonikong eskala. Halimbawa, kung magsisimula sa eskalang C mayor, maaaring tanggalin ang ikaapat (F) at ikapitong (B) antas. Ang mga natitirang nota (C, D, E, G, A) ay bumubuo ng eskalang pentatonikong mayor.
Kung aalisin naman ang ikatlo at ikapitong antas ng eskalang C mayor, makakakuha ng isa pang anhemitonikong eskalang pentatoniko: F, G, A, C, D. At kung aalisin ang una at ikaapat, mabubuo ang G, A, B, D, E.
Ang mga itim na piyesa sa piyano ay bumubuo ng eskalang pentatonikong mayor sa G-♭ (o katumbas na F♯ mayor sa eskalang pentatoniko): G♭, A♭, B♭, D♭, at E♭, na ginamit ni Chopin sa kanyang étude na itim na piyesa.
Eskalang pentatonikong menor
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bagaman maraming uri ng hemitonikong eskalang pentatoniko ang maaaring tawaging "menor", karaniwang tumutukoy ito sa kaukulang menor na eskalang pentatoniko na hinango mula sa mayor na bersiyon, ginagamit ang mga tono 1, ♭3, 4, 5, at ♭7 ng natural minor scale.[2] (Maaari rin itong ituring na putol na eskalang blues.)[9] Ang eskalang C pentatonikong menor (kaukulang menor ng pentatonikong E♭) ay C, E♭, F, G, B♭. Ang eskalang A pentatonikong menor (kaukulang menor ng pentatonikong C) ay A, C, D, E, G, parehong mga tono ng eskalang pentatonikong mayor sa C subalit nagsisimula sa A. Naglalaman ang eskalang A pentatonikong menor ay naglalaman ng tatlong nota ng triyadang A menor.
Ang karaniwang pagtotono ng gitara ay gumagamit ng mga nota ng eskalang E pentatonikong menor: E–A–D–G–B–E, dahilan kung bakit madalas itong marinig sa popular na musika.[10] Ginamit ni Stevie Wonder ang eskalang pentatonikong menor para sa masiglang riff ng klabinet sa estilong funk sa kantang "Superstition" (1972).[11]
Eskalang Hapones
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang modong Hapones ay nakabatay sa modong Prigiyo, subalit gumagamit ng mga tono 1, 2, 4, 5, at 6 sa halip na 1, 3, 4, 5, at 7.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Bruce Benward and Marilyn Nadine Saker (2003), Music: In Theory and Practice, seventh edition (Boston: McGraw Hill), bol. I, pp. 36–37. ISBN 978-0-07-294262-0. (sa wikang Ingles)
- ↑ 2.0 2.1 2.2 John Powell (2010). How Music Works: The Science and Psychology of Beautiful Sounds, from Beethoven to the Beatles and Beyond (sa wikang Ingles). New York: Little, Brown and Company. p. 121. ISBN 978-0-316-09830-4.
- ↑ Bernstein, L. (1976) The Unanswered Question, Cambridge Mass., Harvard University Press. (sa Ingles)
- ↑ Susan Miyo Asai (1999). Nōmai Dance Drama, p. 126. ISBN 978-0-313-30698-3. (sa Ingles)
- ↑ Minoru Miki, Marty Regan, Philip Flavin (2008). Composing for Japanese instruments, p. 2. ISBN 978-1-58046-273-0. (sa Ingles)
- ↑ Jeff Todd Titon (1996). Worlds of Music: An Introduction to the Music of the World's Peoples, Shorter Version (sa wikang Ingles). Boston: Cengage Learning. ISBN 978-0-02-872612-0. p. 373.
- ↑ Anon., "Ditonus", The New Grove Dictionary of Music and Musicians, second edition, edited by Stanley Sadie and John Tyrrell (London: Macmillan Publishers, 2001); Bence Szabolcsi, "Five-Tone Scales and Civilization", Acta Musicologica 15, blg. 1–4 (Enero–Disyembre 1943): pp. 24–34, banggit sa p. 25. (sa Ingles)
- ↑ Paul Cooper, Perspectives in Music Theory: An Historical-Analytical Approach(New York: Dodd, Mead, 1973), p. 18. . ISBN 0-396-06752-2. (sa Ingles)
- ↑ Steve Khan (2002). Pentatonic Khancepts (sa wikang Ingles). Alfred Music Publishing. ISBN 978-0-7579-9447-0. p. 12.
- ↑ Serna, Desi (2013). Guitar Theory for Dummies. Hoboken, New Jersey: Wiley. p. 168. ISBN 978-1-118-64677-9.
- ↑ Perone, James E. (2006). The Sound of Stevie Wonder: His Words and Music. Westport, CT: Praeger Publishers. p. 17. ISBN 027598723X.


