Pumunta sa nilalaman

Espiyonahe

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang espiyonahe o pag-eespiya ay isang gawain ng pagkuha ng impormasyon hinggil sa isang samahan, organisasyon, o bansa nang palihim o kumpidensiyal, at walang pahintulot ng mga tagapaghawak o tagapag-ingat ng kinuhang impormasyon. Kinasasangkutan ito ng pagkanakakapunta sa kung saan ang kailangang kabatiran ay nakaimbak o sa mga taong nakakaalam ng impormasyon. Sa panahon ng digmaan, ang espiyonahe ay isang krimeng pangdigmaan. Ang tao na nagsasagawa nito ay tinatawag na tiktik, espiya, o may kalabuan bilang ahente. Ang isang ahente doble ay isang tao na nagkakalakal ng impormasyon sa dalawang mga partido, at hindi nalalaman ng nasabing dalawang mga partido na ang nasabing espiya ay nagtatrabaho para sa kanila na nasa ganitong katayuan.

Politika Ang lathalaing ito na tungkol sa Politika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.