Pumunta sa nilalaman

Estasyon ng Ortigas (MRT)

Mga koordinado: 14°35′16.58″N 121°03′24.14″E / 14.5879389°N 121.0567056°E / 14.5879389; 121.0567056
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Estasyong Ortigas (Ika-3 Linya))
Ortigas
Manila MRT Line 3
Estasyong Ortigas
Pangkalahatang Impormasyon
LokasyonEDSA
Brgy. Wack-Wack Greenhills, Mandaluyong
Koordinato14°35′16.58″N 121°03′24.14″E / 14.5879389°N 121.0567056°E / 14.5879389; 121.0567056
Pagmamayari ni/ngKagawaran ng Transportasyon
Metro Rail Transit Corporation
Pinapatakbo ni/ngMetro Rail Transit Corporation
LinyaMRT-3
PlatapormaGilid na batalan
Riles2
Konstruksiyon
Uri ng estrukturaTulay (Overpass)
Akses ng may kapansananMayroon
Ibang impormasyon
KodigoOr
Kasaysayan
NagbukasDisyembre 15, 1999

Ang Estasyong Ortigas o Himpilang Ortigas, ay isang estasyon sa Linyang Dilaw (MRT-3). Ang himpilan ay isa sa maraming mga himpilang nakaakyat sa lupa. Nagsisilbi ang himpilan para sa Ortigas Center na nasa hangganan ng mga lungsod ng Mandaluyong at Pasig. Bagamat mas malapit sa Abenida Julia Vargas, ipinangalan ito sa Abenida Ortigas na ilang dipa ang layo mula sa himpilan.

Nagsisilbi bilang pangwalong himpilan ang himpilang Ortigas para sa mga treng MRT-3 na patungo sa Abenida North at bilang pang-anim na himpilan para sa mga treng patungo sa Abenida Taft. Malapit ang himpilan sa Bangko sa Pagpapaunlad ng Asya at SM Megamall.

Mga kawing pangpanlalakbay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

May mga sasakyang de-padyak, dyip, taksi, at mga bus na nagaabang ng mga pasahero sa isang himpilang pantransportasyon sa labas ng estasyon.

Balangkas ng estasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
L3
Batalan
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan
Batalan A Ika-3 Linya papuntang North Avenue
Batalan B Ika-3 Linya papuntang Taft Avenue
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan
L3 Lipumpon Faregates, Bilihan ng Tiket, Sentro ng Estasyon, Tindahan
L2 Tulay Tawiran sa pagitan ng mga batalan
L1 Daanan SM Megamall, Asian Development Bank