Estasyon ng Pandacan
Pandacan | |||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Pambansang Daambakal ng Pilipinas | |||||||||||
Pangkalahatang Impormasyon | |||||||||||
Lokasyon | Tomas Claudio Street Pandacan, Maynila | ||||||||||
Koordinato | 14°35′24.72″N 121°0′30.72″E / 14.5902000°N 121.0085333°E | ||||||||||
Pagmamayari ni/ng | Pambansang Daambakal ng Pilipinas | ||||||||||
Linya | Linyang Patimog Linyang Santibañez (wala na) | ||||||||||
Plataporma | Mga platapormang pagilid | ||||||||||
Riles | 2 | ||||||||||
Konstruksiyon | |||||||||||
Uri ng estruktura | Nasa lupa | ||||||||||
Akses ng may kapansanan | Oo | ||||||||||
Ibang impormasyon | |||||||||||
Kodigo | PD | ||||||||||
Kasaysayan | |||||||||||
Nagbukas | Marso 25, 1908 | ||||||||||
Muling itinayo | 2009 | ||||||||||
Serbisyo | |||||||||||
|
Ang Pandacan (na tinatawag ding Beata) ay isang estasyon sa Pangunahing Linyang Patimog o South Main Line (na tinatawag ding "Linyang Patimog" o "Southrail") ng Pambansang Daambakal ng Pilipinas. Tulad ng lahat ng mga estasyon ng PNR, nasa lupa ang estasyong ito. Matatagpuan ang estasyon sa Kalye Tomas Claudio (na kilala rin bilang Daang Paco–Santa Mesa) sa Pandacan, Maynila.
Ito ay ang ikalimang estasyon patimog mula sa Tutuban.
Mga kalapit na pook-palatandaan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Malapit sa estasyon ang mga lugar tulad ng Mababang Paaralan ng Jacinto Zamora, ang Pandacan Linear Park, ang Palasyo ng Malakanyang at ang Liwasang Malakanyang, at ang pinagtatalunang Pandacan oil depot.
Mga kawing pantransportasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mapupuntahan ang estasyong Pandacan gamit ang mga dyipning dumadaan sa mga ruta sa Kalye Padre Zamora at Kalye Beata, at ang mga bus ng Pandacan Transport Services Cooperative Inc. (PanTSCI) na dumadaan sa rutang Kalye Beata o mula Santa Cruz (Carriedo), Maynila. Binababa rin ng mga sasakyang de-padyak ang kanilang mga pasahero sa estasyon.
Pagkakaayos ng Estasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]L1 Mga plataporma |
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan | |
Platform A | PNR Metro Commuter patungong Tutuban (←) | |
Platform B | PNR Metro Commuter patungong Alabang (→) | |
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan | ||
L1 | Lipumpon/ Daanan |
Takilya, sentro ng estasyon, mga tindahan, Palasyo ng Malakanyang, Liwasang Malakanyang, Mababang Paaralan ng Jacinto Zamora, Pandacan Linear Park, Pandacan oil depot |