Estatwa ni Zeus
37°38′16.3″N 21°37′48″E / 37.637861°N 21.63000°E
Ang Estatwa ni Zeus sa Olympia ay isang higanteng estatwa ng Diyos na si Zeus na may taas na 12.4 m (41 tal) tall,[1] na ginawa ng iskultor na Griyegong si Phidias noong 435 BCE sa dambana ng Olympia, Gresya at itinayo sa Templo ni Zeus sa Olympia. Siya Zeus ang isa sa Labindalawang Olimpiyano na Pinunong Diyos sa Mitolohiyang Griyego at Hari ng mga Diyos na nakatira sa Bundok ng Olimpo. Ang estatwa ay isang iskulturang chryselephantine ng mga platong garing at mga panel na ginto sa isang istrukturang kahoy. Si Zeus ay nakaupo sa isang trono na pinalamutian ng ebony, ivory, ginto at mga mahahalagang bato. Ito ay isa sa Pitong mga Kamangha-mangha ng Sinaunang Daigdig. Ito ay nawasak noong ika-5 siglo CE. Ang mga detalye nito ay alam lamang sa mga paglalaragan na Sinaunang Griyego at mga barya.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Phidias from encyclopædiabritannica.com. Retrieved 3 September 2014