Pumunta sa nilalaman

Paglalandi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Estrous cycle)

Ang Yugto ng pangangandi o Panahon ng paglalandi, kilala bilang estrous cycle o oestrous cycle sa Ingles (nagmula sa Latin na oestrus at orihinal na mula sa Griyegong οἶστρος na nangangahulugang "pagnanais na pangpagtatalik"), ay binubuo ng mga pagbabagong pampisyolohiya na dulot ng mga hormonang pangreproduksiyon sa karamihan ng mga mamalyang kababaihan na may bahay-bata. Nagsisimula ang mga panahon ng paglalandi pagkaraan ng kabagungtauhan sa mga babaeng sexually mature at ginagambala ng mga yugto o panahon sa pagitan ng regular na paglalandi ng hayop (anestrous phase) o mga pagdadalangtao. Karaniwang nagpapatuloy ang mga yugto ng paglalandi hanggang sa kamatayan. Ilang mga hayop ang maaaring magpakita ng madugong katas ng puki, na kadalasang napagkakamalang pagreregla, na tinatawag ding "dalaw" o "buwanang dalaw".

Ang Estrus o ang mismo o talagang Paglalandi ay ang yugto o panahon kung kailan ang babae ay madaling tumanggap ng alok ng pagtatalik o madaling makumbinsing makipagtalik ("nasa kainitan" o naglalandi). Sa ilalim ng pag-aakma ng mga hormonang gonadotropiko (Gonadotropin), ang mga ovarian follicle ay nahihinog o nagkakaroon ng tamang edad at ang mga katas o sekresyong estrohena ay nakapagbibigay ng pinakamalaking impluwensiya. Dahil dito, ang babae ay nagpapakita ng isang kaasalan o ugali ng pagiging may nais o may kagustuhang makipagtalik,[1] isang sitwasyon na maaaring bigyang tanda ng mapagmamasdang mga pagbabagong pampisyolohiya. Isang panandang katangian ng paglalandi o estrus ay ang ugaling paghukos (kilala sa Ingles bilang lordosis reflex o lordosis behavior), kung kailan ang babaeng hayop ay kusa o boluntaryong nag-aangat ng kanyang panig ng likuran na binubuo ng mga pata, dalawang tadyang, pigi ng puwit, at puwitan. Sa ilang mga uri ng hayop o espesye, namumula ang mga labi ng puki. Kusang nagaganap ang obulasyon o pangingitlog sa ilang mga uri ng hayop.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Geoffrey Miller, Joshua M. Tybur, Brent D. Jordan (2007). Evolution and Human Behavior. Ovulatory cycle effects on tip earnings by lap dancers: economic evidence for human estrus? Evolution and Human Behavior. Volume 28, Issue 6, Pages 375-381.