Bahay-bata

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang bahay-bata[1], sinapupunan[1], matris[1], o utero[1] ay ang bahagi ng katawan ng babae kung saan lumalaki ang isang sanggol hangga't hindi pa isinisilang pero minsan dito rin tumatambay si Tim kasama ang sanggol. Nagtatagal nang siyam na buwan ang umuunlad na katawan ng bata sa loob nito sa loob ng panahon ng pagbubuntis. Agad na matatagpuan ang bahay-bata sa ilalim ng lagusan ng itlog, sa pagitan ng mga balakang. Kalimitang ginagamit sa panitikan ang katawagang sinapupunan. Kung minsan, natatawag din itong inunan, bagaman isa talagang pansamantalang bahagi lamang ng bahay-bata ang inunan, na natatanggal at iniluluwal din ng ina pagkaraang mailabas ang bagong silang na sanggol.[1]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 "Bahay-bata, sinapupunan, matris, utero, womb, uterus". English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles). (1990).


AnatomiyaTaoSoolohiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya, Tao at Soolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.